Not Fit to Work

Pa vent out lang! Porke ba buntis hindi na fit to work? Galing kasi ako The Medical City for my pre-employment physical exam and nabwisit lang ako dun sa napaka sarcastic na doctor. Nagresign ako sa work kasi preggy na ako. Sa field ang work ko, risky and stress kaya nagresign ako since I prioritize my baby. Then yung sister company nung last company ko nag open ng bagong department na halos galing din sa company namin ang hina-hire. This time nabanggit ng mga superiors ko na try ko applyan dahil work from home lang and admin work lang trabaho unlike work ko before na ahente. Nag try ako and pinaalam ko naman na preggy nga ako so ready naman ako if hindi ako tanggapin. Na hired ako and pinag aasikaso na ng requirements. Mga one month din process then ito nga last na ‘tong medical exam. Tapos itong doctor na sarcastic magsalita, hindi nya daw ako icclear na fit to work kasi hindi daw sya ang OB ko. Okay sige sa OB ako hihingi ng certification na fit to work. Pero yung mag side comment pa sya na. Bakit ka kasi lumipat ng work eh buntis ka na nga. Kung ako sa employer, bakit kita iha-hire tapos magle-leave kana din nyan. Like wtf, yung employer nga walang say sa pag hire sakin. Di naman mukhang concern, more on parang nag uunder estimate ang dating sakin. Babae pa yung doktor. Masama po ba mag work while pregnant if alam mo naman na kaya pa? I trust my husband naman na kaya nya kami suportahan. Pero iba pa din kasi na may sariling pera and also alam ko naman na kaya ko lalo na wfh. #1stimemom

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

Aww grabe naman napaka judgemental ng doctor. Instead na i-encourage ka nya ganun pa mga sinabi tsk. Pwede mo naman yan ireklamo momsh, diba po pag mga ganyang clinic meron sila binibigay na survey kung kmusta ang service nila? I hope ok na po kayo ngayon.

4y trước

Yes, magstart na ako bukas. Wfh setup ko. Nakakabwisit lang kasi nga parang inaalisan naman tayong mga preggy ng karapatan na makapagwork kahit kaya pa naman. What if need mo talaga lalo na if single mum