Preggy Cat Lover

Pa-vent naman mga mamshie.. I’m 15 wks preggy and I have three cats. Cat lover ako and si hubby, keri naman sya sa mga cats ko pero when I got pregnant, super protective na sya. Due to risk of toxoplasmosis, ayaw na nyang hinahawakan ko cats ko. Sya na nagpapakain and everything. Di na din sila pinapapasok sa bahay although may room sila na sarili at sa window sila napasok sa room na yun. My OB advised din naman to limit my interactions with my cats. OK naman ako sa arrangement kasi di naman sila pinapabayaan. Kaso ngayon, nagkasugat yung male cat ko e pinaka-attached ako dun kasi bigay yun ng late mother ko. So need painumin ng antibiotic at lagyan ng wound spray. Naiiyak ako kasi halos ayaw nyang alagaan ko yung pusa. Ayaw nyang hawakan ko e ang rough nyang ihandle pag susubuan ko na ng antibiotic. Ako lang kasi yung makakapagpainom dun sa cat kasi ako ang nagpalaki dun. Nag papractice naman ako ng hand hygiene after pero everytime na paiinumin namin, nagtatalo kami. 😓 Yun lang talaga ang laging pinagtatalunan basta tungkol sa pusa 😭 Dun lang ako na-stress.😓 OA daw ako pagdating sa pusa ko and talagang napagtataasan ako ng boses. Parehas ba kaming OA or reasonable ba sya sa reaction nya? Ayoko na kasing nastress kami pareho lalo ako at baka pati si baby mastress din. Wala namang ibang mag-aalaga kasi nakabukod kami at wala kaming ibang kasama sa bahay.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nagegets ko hubby mo sis pero nagegets din kita. Una dapat isipin mo muna ang baby mo,sya kase unang maaapektuhan kung sakali mahawa ka ng sakit or bacteria. Prone ang buntis sa inflections kaya nag-iingat lang din siguro hubby mo. Kung pagpapainom lang ng gamot ang iniisip mo,pwede ka nman siguro umalalay. Like si hubby mo maghawak sa pusa tapos ikaw nalang magpainom ng gamot. Hayaan mo na ang ibang bagay sa hubby mo.

Đọc thêm

naiintindihan kita, Mi. mahirap talaga kapag may sakit fur babies natin. kaya lang sa situation po nating mga buntis ngayon mas mahirap po kapag tayo ang nagkasakit. 2 buhay po ang masasaalang-alang. tayo at si baby. hindi pa naman po tayo pwede basta basta makainom ng gamot dahil may mga masasamang epekto kay baby.

Đọc thêm