Mga kapatid na asa sa magulang
Pa rant lang po sobrang depress kasi ako sana me makapansin ng post ko, medyo mahaba lng po itong post ko, matagal ko na problema yung 2 kong kapatid lalo na yung bunso kong kapatid na lalaki 29 yrs old na. Since grumaduate never nag work. Asa sa parents ko pati sigarilyo nya everyday humihinge pera sa mama ko bale parang 150 a day gastos nya sa sigarilyo nya. Walang pangarap sa buhay ang nakakainis pa nito naaamoy ko yung sigarilyo eh buntis pa namn ako. Hindi marunong sa bahay hindi naglilinis, naglalaba or nag huhugas ng pinagkainan kahit pinagkainan nalang nya iaasa pa samen, senior na pareho parents ko, lastime meron pang ni live in na gf dito samen palamunin din tapos me anak na jusko hindi din nakilos sa bahay kaya pinaalis ng ate ko. Umuwi lang ako ngayon dito samen dahil dito ko gusto manganak sa probinsya. Pero stress ako sa mga kapatid ko, dati lagi ako nagbibigay pera sakanila lalo na sa ate ko. Everymonth 10k binibigay ko nag stop nako bigay kasi wala ako work now asawa ko lng nagbibigay sakin pero di kame magkasama now. Sumasama loob ko kasi hindi ako kinakausap ng ate ko at ni hindi ako binigyan manlng ng simpleng regalo para baby ko. Samantalang ako todo bigay pati tour abroad nilibre ko sya pero never alo nakatanggap kahit panyo ng baby. Pero inintindi ko nalang. Yung asawa nya wala work now gawa ng pandemic palamunin din ng parents ko sumasakit ulo ko sakanila. Nagbibigay ako pera sa parents ko pero nung last time sabi wag na daw ipunin ko nalng daw bigay ng asawa ko para sa baby. Sobrang bait ng parents ko. Ano po kaya pwede kong gawin? Salamat.