Republic Act

Pa HELP po mga moms!! Sino po dito may alam sa laws? May kaibigan po kasi ako sa Bulacan na gustong umuwi dito sa probinsya namin at gusto nya'ng dalhin ang dalawang anak nya (3 yrs old po ang panganay, 1 yr old naman ang bunso) kaya lang po kinasuhan sya ng lalaki kasi ayaw nya'ng ipadala ang bata.. Kasal na po ang lalaki sa iba (pero wala na sila nung nag live-in sila ng kaibigan ko) at yung mga anak nya sa asawa nya ay halos hindi nya naaasikaso, katunayan nasa ina ng babae ang anak nila. Wala po'ng kamag-anak ang friend ko sa Bulacan, napunta lang sya don dahil sa lalaki. Sobrang nakakaawa po sitwasyon nya don kasi lagi daw po syang pinagtutulungan ng in-laws nya, tapos pag nag sumbong daw sya sa LIP nya di sya pinapakinggan kasi mama's boy pala ang gag* (kainis) kaya one time po, di nya na matiis lumayas po sya dala ang dalawang anak at currently nakatira sya sa naging kaibigan nya don.. Gusto nya pong umuwi dito samin at sa kabaitan din naman ng friend nya don, sinagot ang expenses sa ticket. Ngayong July po ang flight nila kaya lang po may hearing sila ngayong 27.. Sino po dito may alam sa laws, ano po gagawin ng kaibigan ko para mai-uwi nya ang dalawang anak nya dito sa probinsya ngayong malapit na ang july.. Salamat po sa sasagot at tutulong 😊 GOD bless! 😇

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Actually mommy, she has the right of custody po (Art 213 Family Code) considering that the minors are below the age of 7. Nacurious tuloy ako if anong case ang nafile kasi hndi ata mag prosper yan assuming na Custody of Children ang case. If ever kinuha ng father ang mga bata ng sapilitan sa mother, the mother may file Writ of Habeas Corpus para maacquire ang custody of the children. Pwedeng lumapit sa women's desk ng dswd or PAO if the case has already been filed in court

Đọc thêm
5y trước

at kung kasal nmn sia s iba pede nia rin un gamitin laban s lalake.

Magiging disadvantage/detrimental po sa kanyang side if uuwi siya ng probinsya na hindi pa tapos ang kaso. Mawawalan siya ng opportunity to attend hearings and to prove her point. Anyway at most ang action for support and custody (Special Proceedings) does not require full blown trial so Im sure hindi po magtatagal ang case..

Đọc thêm
5y trước

Welcome po. God bless us

sya ang mother kaya sa knya dapat ung custody ng mga bata lalo at below 7yrs hingi kau tulong s mga LGU at dswd s lugar nila at jan pra matulungan sia kc bka pg tulungan sia s korte.

5y trước

Yun nga po. Buti nalang may dalawa syang naging mabait na kaibigan at ready namang tumistigo.. Ang sa kanya lang po kasi ay matuloy sya sa pag uwi ngayong July at maisama nya ang dalawang bata..

@Daphne, may i know the nature of the case diled in court pls? Ano po ung case na na file?

5y trước

Idk po, kasi ang hirap po'ng kontakin ung kaibigan ko dahil sa sitwasyon nya dun. Sa tingin ko po may kinalaman don sa bintang ng lalaki na hinuhuthutan sya ng pera ng friend ko.