Uy, agahan mo na ibalik si baby sa pedia NGAYON, ang pamumula ng mata ng 2-month-old ay hindi dapat balewalain, kailangan ng doktor na makita ito in person para malaman kung may reaction sa gamot o may iba pang nangyayari! Huwag mong baguhin o itigil ang gamot niya nang wala pang utos ng doktor ha, importante yun, ako nga first time din noon, almost nagpalit ng gamot si baby ko dahil sa Google, buti na lang pumigil ang pedia sa akin! Kaya trust your doctor, pero ireport mo talaga agad ang side effects para ma-assess niya kung kailangan pang i-adjust ang gamutan. You're doing great, mama, ang fact na nagpatest ka at nagpapagamot agad means you're already winning!