Nakabukod na pero wala paring privacy
pa-advice sana.. Before wala pa kaming sariling bahay ng husband ko, yung sister-in-law ko nagsabi na agad sa amin na pag may bahay na kami bigyan raw namin sya ng sariling kwarto. Sa isip ko naman, bakit ka bigyan ng space sa bahay eh bumukod na nga kami. Ngayon na meron ng bahay and she's married now, pumupunta at umaalis sya kung kelan nya lng gusto, dito na kumakain, natutulog, pumapasok sa kwarto ng walang paalam. Hanggang ngayon wala parin kaming privacy. Though lupa nila yung pinagtayuan ng bahay namin, sana rumespeto naman.

