PLEASE HELP ME
Pa advice po mga mommy I'm currently 21 weeks pregnant. Nahihirapan na ako sa asawa ko. Ang bilis kong malungkot at madepress these days. Simula nung 2nd month-3rd month ko sobrang selan. Ngayon ok naman kaso di ko alam sobrang depressed na ako. Palagi akong mag isa. Wala family ko malayo sakin. Yung asawa ko naman parang kulang na kulang sa emotional support. Excited na ako sa baby ko. Gusto ko na nga mamili ng mga gamit at damit nya. Pero ngayon, parang ayoko na. Ayoko na mag kaanak. What if pabayaan ako ng asawa ko, anong gagawin ko. Kakayanin ko ba mag isa ito? Feeling ko ayoko na magka baby... Please help and i need your advices po..