Don't hate me mga mommy
Pa 1month pa lang si lo and bfeeding ako. Grabe ang mom guilt ko dahil di ko maiwasan mairita saknya kasi iyakin siya lalo na pag madaling araw kahit Kadede lang tapos sasabayan pa ng antok ko. Grabe parang napakawalang kwenta ko naman ang ikli ng pasensya ko saknya kapag antok na antok nako tas iiyak siya na gagalit talaga ako tapos pag hinehele ko sya tas nag iiyak sya napapalakas yun tapik ko sa pwet nya 😔 nag aalala ako kasi malambot pa mga buto ng baby baka mapamali ako diko alam kung ito na yun tinatawag na PPD kasi minsan pag nag oovethink ako na tulo nalang luha ko plus yun mga kasama ko sa bahay ang toxic pa kaya kinakain talaga ako ng lungkot wag niyo po ako ibash. Need ko lang po ng advice nyo