20 weeks and 2 days pregnant
Okay lang po ba na di masyado magalaw si baby pero nakakaramdam po ako ng pitik at minsan quickening lang. Sa Doppler last 2 weeks na check up ok naman po ung heartbeat ni baby 140 hpm, paranoid lang siguro ako mag isip kasi ung isang group na sinalihan ko na halos kasing kabuwanan ko is malikot at nagsisipa sipa na daw si baby nila sa loob Samantala sakin di ganon 😔 pls enlighten mga mi kung May same case dito sakin. Thank you po. God bless sa mga makakasagot.
ako din po nagworry kung bakit hindi ko pa nakakapa yung sipa although nararamdamam ko na yung galaw ng baby ko pero normal daw pag first baby tsaka hindi din daw halata na buntis ako. 5 to 7 months daw yung unang sipa. Kaya ako nagwowory din na baka may late development ang baby ko hopefully pag nagpa ultrasound ulit ako ay ok ang lahat ang hirap din kasing maging overthinker mhiee
Đọc thêmworried din ako super when i was on my 20th week minsan feel ko as in wala talaga the whole day but maybe i was just too busy during that week kaya di ko mafeel so baka ganun kadin mhie. ngayon 22weeks nako sobrang likot na nya almost entire day nagalaw na sya. but on the other hand wait mo lang, normally daw talaga until 24 weeks mo pa sya super mafefeel
Đọc thêmokay mi sana makaraos tayo para di na mag isip ng kung ano ano😔
baka po anterior placenta ka mi? kaya di masyadong maramdaman si baby. okay lang yan mi, wag din masyadong magbasa sa mga group and mag-google para iwas stress and para sa peace of mind mo po. okay lang yan si baby, pray lang po and have a safe and healthy pregancy!! ❤️
wag na lang magjoin at magbasa sa mga group mi or manood ng mga negative vids abt pregnancy. nakakadagdag talaga ng anxiety yan. yan dn ang advise sakin. iba2 dn kasi yung pregnancy experiences natin. enjoy the moment lang mi. wag papastess🥰
20 weeks and 1 day pitik pitik plang din at patigas☺️normal lang Naman daw po mga 24 weeks pa talagang maglilikot si babay
Mhie ask ko lang normal ba yong minsan tumitigas yong tiyan I’m going 20 weeks na
baka kc anterior placenta ka mi normal yan kapag ganun nakapag paultrasound kana ba?
sakin din po puro pitik tas parang bula at panay bukol lang na palipat lipat
ganyan din sakin bhe parang bumubula at kahit katatapos ko lang kumain parang ung huni ng tyan ko parang nagugutom samantalang busog naman ako.
Mama of 1 sunny boy