Mommy Debates
Okay lang bang kumain ng instant noodles/pancit canton ang buntis?
Everything is permissible but not all is beneficial :) So as for me, if it's not healthy for the adult, then so much more for our little one :)
ako paminsan minsan na lang mga twice a month na lang compared before mas ok na magtiis para ky Baby. marami pa naman healthy foods na pwede kainin.
Kunti lng to satisfy yung cravings. Kumain ako diko nilagay yung powder niya. Hinaluan ko na lng ng light soy sauce, olive oil at calamansi😜
paminsan minsan lang hanggat kaya iwasan na lang kasi ang mahirap mamaya magka UTI pa at wala ring makukuhang nutrients sa instant noodles.
..,opoh kumakain din ako nung preggy pa me...basta moderate lang...pati softdrinks umiinom ako ..pero 1 per week lang...vasta makatikim ..
kung di naman palagi okay lang.like in my case bilang na bilang ang pagkain ko ng instant noodles dati, buti di ko din kinecrave.
2 or 3 times lang ata ako kumain ng pancit canton sa buong pregnancy journey ko..that time sobrang takam na takam talaga ako😅
sa first pregnancy ko everytime kumain ako ng instant noodles, sinusuka ko lang 😆 di yata bet ni baby na kumain ako nun.
Pwede naman sguro pero nung ako di ko siya bet kaso nasusuka ako sa amoy, kaamoy kasi ng Burger Steak ang cup noodles hehe
In moderation lang. Ako kumakain ako ng canton pero bihira lang tapos bumabawi sa water para maihi lahat ng bacteria. 😊