Credits
Okay lang ako.. by : Momsterhood (MX) Late ka na natutulog, at maaga ka pa gigising. Napagod ka maghapon pero bukas andami pa din gawain. Pero kapag tinanong ka kung inaantok ka ba sasagot ka pa habang nakangiti “hindi, okay lang ako.” Ang dami mong insecurities and what ifs. Hindi mo maintindihan ang sarili mo at di mo namamalayan nagsasuffer ka na pala sa postpartum depression at andami mong anxieties. Pero dahil alam mo na hindi ka nila naiintindihan, sasabihin mo na lang na “okay lang ako.” Alam mong malaki na nabago sa sarili mo, ibang iba na nung dalaga ka.Gusto mo ipamper ang sarili mo pero hindi mo magawa kasi either nanghihinayang ka sa budget, or hindi mo maiwan ang mga anak mo. Kaya titingnan mo na lang ang sarili mo sa salamin, hahawiin ang matigas mong buhok at sasabihin na “okay pa naman ako.” Nasa labas na kayo. Kung ano ano ang binili nyo para sa mga bata. Nagka-extra budget kaya pwede sila igala. Pero ang isip mo ay nasa mga bills na padating na ang due-date. Kaya kapag tinanong ka ng asawa mo kung may gusto kang bilhin, ngingiti ka lang ulit at sasabihin na “wala, okay lang ako.” Araw araw paulit ulit ang buhay ng isang nanay. Yung pinipilit mong maging positibo ang pananaw mo pero may mga araw na gusto mong tumakas kahit isang araw lang. Pero ang isang araw na pagprioritize mo sa sarili mo ay pwedeng ibato sayo ng mga kritiko sa mundo. Kaya sa halip, yayakapin mo na lang ang mga anak mo na pinagkukunan mo ng lakas. At itutuloy ang mga gawaing bahay kasi iniisip mo, “Ngayon lang to,lalaki din sila, Okay lang ako.” Nakakalungkot dahil madami sa ating ang nakakaranas ng depression, pero para sa iba, “nagiinarte” lang tayo. Wala tayong lusot. Kasi sabi nila “Pinasok mo yan, panindigan mo yan”. Hindi pwede magreklamo, hindi pwedeng sumuko dahil nga naman, tayo ang ilaw ng tahanan. Tayo dapat ang nagbibigay ng liwanag kaya kahit lumalamlam na tayo kung minsan, ngingiti pa din tayo at sasabihin na “Okay lang ako” #Momsterhood #Fighter #Ilawngtahanan #WagbibitawMisis #Postpartumdepressionisreal