Folic Acid po miii. Kasi importante yon. Kahit yun lang muna ang inumin mo. Kasi ako maselan din. Nagstart ako magsuka suka 6 weeks palang. Mas lumala ang pagsusuka ko nung 9-11 weeks ako. Magpareseta ka po sa OB mo ng pwedeng inumin gamot para medyo malessen ang pagsusuka mo. Nagwoworry din ako nun kasi parang di na normal na may araw na lahat ng kinain ko sinusuka ko tas may araw na 2-3 times ako sumusuka. Yun lang pinagkaiba natin, sa tubig di naman ako nagsusuka. Dahil worried ako, nag ask na ako sa OB ko kasi baka madehydrate na ako kasi namayat ako ng 4 kg. Niresetahan ako ng vitamins and anti acid reflux kasi lagi umaasim ang tiyan ko which nakatulong kasi now na pa 13 weeks na ako, may araw ng hindi ako sumusuka. May araw na isang beses nalang pero maselan padin ako sa mga pagkain. Di rin ako kumain ng marami. Small frequent meals. Di rin ako kumain ng pagkain alam kong magpapasuka sakin. Di ko rin sinasabay ang tubig sa pagkain. Iinom lang ako ng tubig after ko kumain para di ako masuka.
Đọc thêm