Ok lang ba sainyo na may kasama kayong ibang family member sa bahay let's say siblings mo? Or mas preferred nyo pa din na kayo lang ng spouse mo and kids?
Gusto ko sana kmi lang kaso sa ngaun dto muna kmi sa parents ko. pareho kasi kming may work ni hubby kaya walang mapag iiwanan kay baby pagkapanganak ko
Ideally, spouse and kids lang so we really can live on our own. However, in our case, my mom need to stay with us kasi she's old na and wala kasama sa house.
Gusto ko kmi lang nandito sa bahay kasi parang nkakailang kumilos pag may ibang tao. Parang binabantayan lahat ng kilos ko, ganon na fefeel ko haha.
mas preferred ko na kami lang ng asawa ko at mga anak pero dahil malayo ang asawa need may kasama sa bahay lalo pa kakapanganak ko pang din last month
May pros and cons din ang matter na ito. Ang pinaka con, hinid maiiwasan ang inggitan. Ang pro nga, may titingin sa anak mo kapag wala kayo.
Kami lang mas gusto ko kasi my house my rules minsan pag may kasama kayo lalo na relatives minsan kayo pa nakikisama sa loob ng bahay ninyo
iba iba din po mommy..ako po mas gusto ko kami. kami lang ng family ko..parang na i stress kc ako kapag marami kami sa bahay hehe
Sa ngayon kasama namin parents ko sa bahay. Nakikitira lang kame. Pero kung may choice gusto din namin bumukod. Hoping na makabukod na kame.
mas ok pag kayo lng ng spouse mo- iba pa din kasi talaga yung may privacy kayo sa buhay mag-asawa nyo. skl 🤷♀️😅
for me mas ok un kami lang ng Asawa ko at anak. never ako mag papatira ng kamag anak sa bahay lalo na pag batugan.