minatamis na pinya
Ok lang ba sa buntis na kumain ng minatamis na pinya? 13 weeks. Ginagawa ko kasi siyang palaman pero naalala ko bawal pala ang fresh na pinya pero d ko sure kung ganun parin ba yung effect kahit naluto na yung pinya or bawal talaga?
Alam ko mas bawal ang minatamis na pinya in moderation siguro tas water po agad,kasi matamis po yan it can cause gestational diabetes. Pero sa case ko ngayon 37 weeks palang ako nakakain ng pinya kasi kada check up ko sabe ni ob nag cocontract ako mamaya bigya lumabas si baby😅 pero myth lng daw po un pero sinunod ko padin mahirap na…tas lahat pa naman sa pinya kinakain ko pati ung core e un daw ang di dapat kainin.
Đọc thêmUnang buwan nalaman ko buntis ako madami nga nagsasabi na bawal at pinya at papaya dahil nakakatrigger daw ng labor. Pero upon further research at may mga article din dito sa app hindi naman pala bawal. Ang hilig ko ngayon sa pinya hanggang ngayong third tri nako. Wala pakong prob sa pagbawas kasi madalas may pinya sa ref. I think mas moderate dahil sa sugar content nya bawal ang sobra.
Đọc thêmNababasa ko po na bawal is Pinya, Papaya, Grapes. Yong ibang Mommy po dito nababasa ko na binabawal sa kanila ng OB nila kasi medyo maselan or sensitive yong pagbubuntis nila. Pero kung gusto mo Mamsh, pa-check up ka po at magtanong sa OB niyo po.
Kakacheck up ko lang kasi mamsh. Hindi ko rin natanong kasi kakaluto lng nila ng minatamis na pinya 😅 Tanong ko nlng next visit ko mamsh. Thank you
you can eat moderately lang. may healthy benefits kasi ang pinya. yun nga lang base sa mga nababasa nagcause daw ng contraction. kung hindi ka panatag ask your OB kasi sya nakakaalam health status nyo ni baby. kung wala naman complications baka payagan ka
Hindi pwde ang pinya kung maselan ka sis.. Gnyan ako dko alam n maselan nakaka trigger, kumain ako pinya at papaya nuon nakunan ako dinugo ako.. Taz nagpa raspa ako after 7mos. Nabuntis uli ako di nako kumain.. Iniwasan ko nlng baka maulit uli.
I think hindi naman bawal kumain.. Kasi sa second born ko pinaglihi ko sa pinya.. Yung hinahanap hanap ko talaga after ko mag-meal. Huwag lang sobrang dami kasi lahat ng sobra masama diba?:-)
Hindi bawal. limit lang per nutritionist kasi mataas ang sugar. Per OB it's also not true daw na it induces labor. Same with Mango and grapes. Limit grapes to 5 up to 8 pieces a day.
more on fiber po ang pinya at papaya,nakakatulong sila para maiwasan ang constipation.pero kung may condition po kayo sa pagbubuntis,much better na isangguni nyo sa OB nyo☺️
Kasi ako Sabi Ng ob ko pwdi lng kumain Ng fruits wag lang lagi Lalo na pag matamis Kasi kinunan ako Ng sugar test mg uulit ako pg 8 months na Sabi ni Doc
Dito ko lang din nalaman na bawal ang pinya at papaya..buti nalang hindi ako mahilig sa pinya.sa papaya nakain ako.pero iniiwasan ko muna.hehe
Happy life. Happy Mom.