Priority Lane
No offense po and katuwaan lang ha wag judgmental. Early to mid last year, naaalala ko, tuwing mag-ggrocery kame ng bf ko at syempre di natin maiiwasan na kahit saang lane ng checkout madalas pa mahaba mga pila lalo pa yung sandamakmak mga pinapamili mukhang pang tindahan pa nila. So my bf would always insist na pumila ako sa PRIORITY LANE all the time na mamimili kami kahit di naman ako totoong preggy para mabilis kami makauwi. One time may awkward moment sa pagpila ko kasi hinahanapan ako ng baby book or any proof a preggy ako ng isang cashier, eh wala naman akong maipakita, medyo nataranta ako pero sinabi ko nalang na naiwan ko kasi diko naman alam na may bblhin pala ako that day sa grocery tapos pinagsabihan nalang ako na next time idala ko nalang daw. Nag-oo nalang ako. So ayun, to cut the story short, lagi na kong nakapila talaga sa PRIORITY LANE dahil 8months preggers na ko, nagkatotoo yung kalokohan namin sa pagpila ng bf ko. ?? sorry naman po wag na kayong magalit.