Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob
Nung nanganak ako tumira kami sa apartment kasi wala pa kaming sariling bahay, malapit lang din sa mga in laws ko yung apartment. Ang reason kung bakit hindi kami nakitira sa bahay ng in laws ko ay dahil hindi pa naayos ang bahay nila at wala kaming sariling kwarto. Tumagal kami sa apartment ng 2months bago kami umuwi sa bahay ng parents ko, inisip ko mas makakabuti yon para ipunin nalang namin yung pambayad namin sa apartment. Ok naman kami dito sa bahay ng parents ko, problema ko lang yung tatay ko. Ok naman kami as in ok, nilulutuan pa nya kami ng ulam na may sabaw para may madede yung anak ko, yung mga request ko binibigay o ginagawa nya kahit makapal na mukha ko. Ang kinakatakot nya lang ay kung magkakasakit yung anak ko, kasi natrauma na sya sa mga kapatid ko dati na sakitin. Marinig lang nyang umiyak yung anak ko tatawagin na ako or tatanungin bat umiiyak. Lalo na pag gabi pag naiyak lang konti yung anak ko, magigising na agad sya. Nung 2months yung baby ko mabait sya, sa gabi hindi sya iyakin, pero ngayon 4months na sya nagbago na iyak na sya ng iyak konting bagay lang iiyak na sya. Hindi ko alam kung ano ang gusto. Wala naman syang sakit pero kung makaiyak parang napapaso. Ngayong gabi lang umiyak yung anak ko, nagwalk out sya at parang galit, ang narinig ko lang ay hindi na daw sya makakatulog sa ganitong sitwasyon. Nasaktan ako, syempre baby yan iiyak at iiyak yan, naiintindihan ko naman na dahil yun sa trauma nya pero sana naging maintindihin naman sya kasi apo nya yun e. Parang ayaw nya tuloy kami dito sa bahay. Kami lang ng anak ko ang nandito since nagwowork yung asawa ko. Iniisip ko balik nalang kaya kami doon pero saan na naman kami titira, alangan magrerent na naman kami. Kaya nga umuwi kami dito para makaipon kami. Tuwing ganito yung nangyayari iniiyak ko nalang kasi wala akong magawa. Nagtitiis nalang ako kahit gusto ko na din umalis dito kasi parang nakakaperwisyo pa kami sa tuwing umiiyak yung anak ko.