Breastfeeding Awareness Month
Nung buntis ako.. Di ko masyadong inisip or hinanda sarili ko magpabreastfeed.. Sa isip ko nun.. Kung may gatas ako eh di breastfeed, kung wala eh di magformula kami.. (happy go lucky pa rin sa decision making kahit manganganak na ko😊) Nung nanganak ako dun lang ako nakapagdecide magbreastfeed kami.. Bukod sa masustansya para kay baby, libre pa😊 nagpapasalamat ako kasi sinusuportahan ako ng asawa ko sa breastfeeding journey ko.. (oo siya tiga bili ng lactation treats, drinks and medications ko) Sa simula nagkasugat sugat yung nipples ko and puyat is real talaga.. Kaya sabi ko kahit 1 month lang para naman hindi maging sakitin si baby.. Nung umabot ako sa 1 month.. Sabi ko ulit kahit 3 months.. Umabot kami ng 3 months😊 Ngayon 6 months na kami.. tuloy pa rin kami sa breastfeeding with complimentary feeding na shempre. Oo, kahit may kasamang pangangagat ng nips at parang palagi na kong human pacifier ni baby.. Tuloy ang laban😂 Kahit may mga panahon naiisip ko magshift na sa formula kasi nakakapagod and nahihirapan na ko.. Mas nangingibabaw pa rin yung kagustuhan ko na magpabreastfeed.. Kung kakayanin hanggang 2 years old, why not😊 Ikaw, Anong breastfeeding story mo? 😊