Yung excitement na makita sya napalitan ng habang buhay na lungkot
Now lang nagkwento kasi hanggang ngayon di ko pa din tanggap nangyari.. May 22 nagleak water ko akala ko manganganak na ko that time kaya nagpunta kami sa clinic around rizal kasi dito kami nakatira ng asawa ko, nung nandun na kami ng biyenan ko ang sabi ng midwife di pa daw lalabas si baby kasi wala pa daw sa mukha ko na manganganak na ko at 1cm lang dawnpero kung 3 to 4cm kaya daw, nirecommend nya kami sa ospital sa angono kaso di kami tinanggap at wala daw sila incubator for baby kasi 36w6d sya sabi kulang pa daw sa araw and wala kami latest ultrasound, ngayon sinabi sa amin ng angono sa may rmc daw punta di din kami tinanggap gawa ng kaso ng covid, pumunta din kami ng rain forest hospital same case ng rmc, that time dami na gumugulo sa isip ko na sana ok anak ko sa tiyan kasi di na sya masyado malikot, minessage ng LIP ko yung midwife kung san kami nagpapacheck every Sunday, dinala ako dun para iinject para sa lungs ni baby, the next day pinapunta nya kami somewhere in taguig para sa ultrasound ko, nalaman ko 38w6d na pala si baby kaya anytime soon lalabas na talaga sya, yung nagleak daw sa akin is upper water daw ni baby at yung water nya mismo sa inunan is maayos pa, nakampante ako kasi baka kung ano mangyari sa kanya sa loob ng tiyan ko, May 24 nakakaramdam na ko ng sakit sa balakang at puson, kaya ko naman pero di na ko nakakatulog ng maayos, May 25 mula umaga hanggang May 26 ng madaling araw dyn na yung every 5mins na interval, umiiyak na ko sa sakit kasi di ko mawari pakiramdam, tumuwad tuwad na ko, nag squat para mabilis na lang sakali lalabas na nga, May 26 ng 5am dinala na ko ng LIP ko lying in para iinduce kasi di ko na talaga kaya, ang sabi sa akin dapat 8am mailabas na si baby kasi kung hindi ipapadala nila ko sa fabella para ics, nag 8am pero di nila ko pinadala sa ospital at pinilit mainormal si baby, sige iri ako kasi kita na ulo nya, bandang 11am dun na sya lumabas sa akin na kahit kalahati na nakalabas umiiri pa din ako kasi sabi malaki daw baby ko, nasa 3.5 at purong bata laman ng tiyan ko, nung pinatong sa dibdib ko di sya umiyak, nirub ko likod nya at sinabihan na anak umiyak ka please, hanggang kunin ng doktora si baby at nirevive, halos magkalahating oras din nila nirerevive anak ko kaso wala talaga,. Di ko alam san kami nagkulang, kumpleto ko sa check up, vitamins, pero di sumapat, nawala na din Baby Boy ko.. Masakit pa din at naaalala ko pa, habang buhay kitang dadalhin sa puso ko anak.. Mahal na mahal ka ni mama at Papa.. Gabayan mo kaming naiwan mo dito, kung magkakababy ulit ako gusto ko kamukha mo.. Ayoko magpaalam kasi alam ko babalik ka,. Mahal kita Tobias Osben Lopez Macawili❤️❤️❤️