Yung feeling na parang 2 beses kang nanganak 😂

NOVEMBER 19, 2020 CHECK UP 3:00 PM currently on my 40th week at nung nagIE nasa 2 to 3 CM pa lang. Binigyan kami ng option ng Doctor to Induce or to wait for a week pero mas delikado kasi baka makakain na ng poops si baby. So we go for Induce. Exactly 6 PM nagpaAdmit na ko sa hospital diretso sa Labor room para iinduce. NOVEMBER 20, 2020 11:24 AM sa tagal ko sa labor room naramdaman ko na rin yung contractions sabi nila antaas daw ng pain tolerance ko and nagpprogress yung pagdidilate ng cervix ko. 6:12 PM 24 hrs na ko sa hospital 😭 at sa wakas pumutok na panubigan ko. Sinabihan na OB ko and OTW na siya. 9:30 PM still hanggang 9 cm pa lang pero sobrang taas pa din ni baby at di makapa sinabihan na ko ng doctor na baka magCS na kami kasi ayaw na magprogress. Pinatawag ko na din husband ko humirit pa ko "Pwede po ba 1 hr pa kaya ko naman eh wala pa nga po akong epidural 😂" pumayag ang OB ko na maghintay pero hanggang dumating lang ang anesthesiologist dinala na din ako sa OR. While waiting biglang humilab tyan ko at napaire ako sa sakit pagIE fully dilated na ko then nakapa ni doc si baby. Nagpush kami for Normal Delivery almost an hour din un pero di talaga siya nababa then suddenly nagdrop ang heartbeat niya kaya naEmergency CS na talaga ako. Paggising ko sinabi ng nurse na buti nagCS kami kasi kundi baka namatay si baby kasi nakapulupot na daw pala yung umbilical cord sa leeg niya kaya pala di nababa tapos my nakain na din siyang konting poops niya. Then nakwento ng husband ko na sa sobrang kaba niya nagpapunta na siya ng makakasama niya kasi nagtatakbuhan daw mga nurse sa OR tapos biglang tumahimik at almost 2 hrs na kami sa loob wala pa din siyang naririnig na iyak ng baby. Thank God kasi di mo kami pinabayaan ng baby ko😭🙏 DOB: NOVEMBER 20, 2020 TOB: 11:59 PM W: 2.6 KGS L: 48 CM HAPPY ONE WEEK OLD ZHAVAIA DEANNE VELO TAPICERIA 😍😘♥️🤱 #FirstTimeMom #NovemberBaby #Sharekolang #firstbaby #theasianparentph #pregnancy

Yung feeling na parang 2 beses kang nanganak 😂
34 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same experience sakin Momsh. 10cm na pero di talaga bumababa si Baby. Gusto ni Doc ipush ko pa din na inormal pero nakakain na sya ng poops. Kaya ako na mismo nagsabi sa kanya na iCS nlng ako. 5am ako pinutukan ng panubigan inabot nako ng 8pm sa labor room di tlga sya bumababa Yun pla nakapulupot din umbilical cord nya.

Đọc thêm

These kind of stories makes me even more scared to give birth 😔 Btw, congrats mama! Have a safe delivery everyone, God bless! #teamJanuary 🤰

mas alam kasi ng ob yung gagawin kaya dapat magtiwala s knila d ung nagmamagaling pa. tas pag may nangyari maninisi.

ang alam ko po kasi kapag sinabi na ng oby na cs ka dapat hindi kana mag dalawang isip, anyways congrats mommy

Congrats Mommy :) Buti safe kayo ni baby. God bless po sainyo🙏❤️

Congrats po, Sana makaraos nadin ako 34weeks preg. here 😍😇

Congrats Mommy. Salamat sa Diyos at safe kau. 🙏🏻

Thành viên VIP

Salute Momsh! Congratulations.. ❤️💙💚

congtrats po.

congratulations sis..Godbless