Ano po naramdaman niyo before niyo nalaman na buntis kayo? Ty

45 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

blighted ovum ako last march 23.. rainbow baby ko na to.. nung nakunan ako naging 45days yung cycle ko, after 15days delayed before ako magkaperiod.. may 4 at june 20 ako nagkaperiod.. nagtest ako ng august 5 kasi may feel ko may something na pagkakapareho nung 1st pregnancy ko tulad ng napapadalas hilo pag biglang tayo, iritable kay mister, antukin, utot na may tunog (tahimik lang kasi talaga ko umutot kaya yan unang sign na alam ko sa sarili kong may something), mabilis umiyak tapos napapansin nanaman na umitim kilikili ko.. nadagdag lang na parang naging dry yung balat ko na babakat talaga yung white mark sa balat pag kumamot, yung tummy ko sa paligid ng pusod parang tinutubuan ng balahibo, tapos parang bilog bilog na malilig.. August 5 saktong delayed na ko ng 15days malakas talaga kutob ko na buntis talaga ko kaya nagtest ako ng tanghali at ayun positive, hindi pa naniwala agad si hubby kaya 5times ako nag PT from august 5 to 8 positive lahat.. marami pang what of sa isip ko nun kaya hindi muna ko nagpa check up.. august 15 nagspot ako after do kay hubby kaya kinabukasan nagpacheck up na ko (ganito kasi nagsimula dati kaya tuluyan ng hindi nagdevelop si baby).. so ayun nga kinakabahan ako sa result ng tvs.. base sa Lmp 8w1d ako pero Aog ni baby is 5w6d with 153bpm.. grabe titig ko sa monitor nun at una pa kong nagsabi sa OB ko na meron nga, talas daw mata ko kasi wala pa naman daw siya sinasabi 😂.. now 9w5d base sa tvs na may kaba pa din minsan lalo na pag nagrerequest si hubby, napagtatalunan na nga namin yun kahit sinabi ni OB na ok lang mag make love as long as walang spotting then mild lang not wild kaya ito si hubby laging tampururot sakin pero pinagbibigyan ko pa din naman siya, natatakot kasi ako na baka magka spotting ako..

Đọc thêm