FEELING KO WALA AKONG KWENTA HUHU
Not pregnant 2 kids 1yr/6mosold and 2 months old Dapat ba akong makaramdam ng hiya sa partner ko? Feeling ko kasi wala akong kwenta, walang work, naguguluhan kung ano pwede kong pagkakitaan habang nagbabantay sa mga anak ko. May work asawa ko pero gusto ko pa rin makatulong pag dating sa financial dahil di nmn ganon kalaki sahod niya at para din hindi siya mahirapan sa mga gastusin namin. Hindi rin nmn siya nanunumbat pag wala ako maibigay. Pero kasi feeling ko rin hindi niya rin nakikita mga ginagawa ko. Nag vovoice out siya pag nakainom minsan.May mga kasama rin ako sa bahay dahil dito kami nag stay kasama mga ate ko kaya medyo hindi ako hirap sa pag aalaga. Ewan ko ba feeling ko talaga wala akong kwentang asawa at ina huhuhuhu. Minsan natutulala na lang ako kasi parang ang dami kong gustong gawin para makatulong pero di ko alam kung san ako dapat magsimula.