Hello. Ini-introduce niyo na po ba ang concept of day and night? Like bukas ang kurtina sa umaga at patay ilaw sa gabi? Nakakatulong po yun para malaman niya na kapag madilim oras na ng tulog.
Umiikli rin po yung oras ng tulog ng baby habang nag kakaedad. Nagkakaroon ng time na active sila.
Sa oras po na active or gising sila, bored po sila kaya gagawin lang nila ay dedede at iiyak kasi wala silang alam na pampalipas oras.
Kaya sa mga ganon oras po, I-entertain niyo po siya pampalipas oras, kausapin, kantahan, ilakad, patutogan at isayaw at laruin gamit ng mga rattle toys hanggang sa dumating oras na antukin na siya.
Observe niyo po rin mo yung start ng oras na gising siya, duration etc.
At magkaroon po ng morning or night routine para alam niya ie-expect na gawin.
With the introduction of day and night at routines hopefully, malilipat po sa umaga ang active hours niya.
Alex Sandi Andrea