Ay normal lang yan, mama! Especially kung pregnant ka or breastfeeding, ang metabolism mo talaga sobrang bilis kaya parang walang tigil ang gutom, happened to me din, and a few of my mum friends naman na constant na naghahanap ng snacks the whole day. Siguro depende din kung anong kinakain mo, like kung mostly carbs lang, mabilis maubos and babalik agad ang gutom, so try adding protein and healthy fats para mas tumatagal. But kung talaga namang sobrang iba from your normal, or may other symptoms ka like dizziness or weakness, best to check with your doctor para ma-rule out kung may deficiency or something else, okay?