SPEECH DELAY?

Normal pa ba sa 3 years old ang pagbababy talk? Kaya niya naman sabihin yung mama, car, red pero yung iba word like black, monster, blue yellow orange nanay tatay tita etc bulol bulol hindi niya masabi ng buo. May times din kung kelan niya lang gusto turuan siya dun lang siya sumusunod lalo pag tinuturuan siya ng "My name is ...." Ano ba dapat ko gawin #firsttimemom #advicepls #pleasehelp #speech #speechdelay

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Less or much better no screentime muna .. More Books.. skl ganyan kami sa LO ko.. from birth til 20months old never siya kahit silip manlang sa TV.. ngayon 21mos old ko na sakanya pinanuod pero less 20mins lang.. kasi nacucurious na din siya... 😊 ako lang ang pinapakinggan niya at mga tao sa paligid namin.. una ko introduce sakanya mga bagay bagay na nakikita niya pati mga names namin at name niya.. bago kami nag colors alphabet number shapes.. syempre pati gestures and expressions.. more than 100words na ang 1yo ko.. nakakabuo na din ng sentence. kahit po sinasabi nila na may kanya kanya development ang mga babies.. importante pa rin na help natin sila na mareach nila yung dapat alam na nila sa edad nila.. btw hindi pure english pagturo ko sa baby ko kasi gusto ko maganda din yung walang walang language barriers baka maging dahilan pa ng d niya pagkakaron ng kausap na kids kung d siya marunong magtagalog.. mas maganda may makausap din sila ibang kids.. shinare ko lang hindi para magyabang.. kasi alam ko naging effective sa LO ko.. Sana sainyo din😊 anyway anytime naman pwede ipaconsult sa pedia kung may katanungan sa development ni baby... mahirap icompare sa iba ang mga bata.. Godbless😊

Đọc thêm

Mommy dont worry mafedevelop yan si Baby, wag mo syang pilitin na wag mag baby talk 3yrs old palang naman sya.. may baby nung 1yrs old sya at nadeclared sya ng OT Pedia Doc na meron sya Speech at Development Delayed, especially meron sya Stranger Anxiety. nung kinausap kami at binigyan kami ng doc na dpt gawin kay baby. Ito ang laki ng development nya, nakakapagtalk na sya at baby talk mag 2yrs old na sya, nagplaplay na din, very interesting sya sa mga books, alphabet etc kahit di nya masyado mabigkas alam nya kung anu yun.. So mommy dont worry fpcus lang at tiwala lang kay baby

Đọc thêm

My L.O is turning 3 years old. She can say okay mommy, mommy, mama, daddy, papa she can count 1-20 pero bulol. She knows Alphabet, shapes, colors, even Planets. Hahahaha. Pag tinuturuan namin pag gusto nya nasasabi niya, pero pag ayaw iiyak siya. Hindi niya pa rin nabibigkas name niya. Nagsasabi na rin siya when she weewee and poopoo. 2 1/2 siya nagstart magsalita ng one word one word. Wag mo madaliin. Magsasalita rin yan as long na walang red flag (autism) ang anak mo then wait pag meron seek for professional para ma-therapy.

Đọc thêm
Influencer của TAP

Mi, let your child grow and develop on his own po. Iba iba naman po ng development ng mga bata :) Don't stress yourself mommy :) Kausapin niyo lang po sya palagi na hindi baby talk malaking tulong po na hindi e baby talk ung toddler natin para mas enhance ung speech and communication nila :) Chill lang mi, normal lang po yan sa ganyang edad :)

Đọc thêm

If it really worries you, you may consult with your pedia. Madaldal ang anak ko since mga 1yo pa lng sya, pero laging kinukwento ng nanay ko na nung bata raw ako ay akala nya pipi ako dahil 3yo na ay puro one-syllable lang ang binibigkas ko. By 5yo ay nagsasalita na ko pero may lisp 😅 Overall, I turned out ok naman 😁

Đọc thêm

mi, baby ko turning 3 sa march palang pero konting word pa din nsasabi nya. dati paranoid din ako as a first time mom baka problema sa anak ko. inassess ko sya sa mga red flags wala naman. dapat lang po kausapin lang sila araw2 na parang naiintindihan na sila. wag na wag nyo po i baby talk.

Hayaan nyo lang po un anak nyo, kausapin nyo lang palagi ng normal. un speech delay na alam ko is un as in hindi nagsasalita, anak ng kaibigan ko 3yrs old puro sounds lang... Pero ngayon 5yrs old na okay naman na xa, madaldal na... Huwag nyo po madaliin anak nyo...

11mo trước

Ah okay po thank you 😌

wag nyo po ipressure. yung daughter halos ngayon lang den sya naging madaldal at palatanong sa mga bagay bagay. kaka 4yrs old lang nya nung oct. ganyan den sya lalo na baby pandemic sya. try nyo lang den lagi kausapin at iwas sa screen time

wag nyo din po sana e baby talk anak nyo, tsaka it takes time po bago matuto yung mga bata mag salita, 2nd born ko 2years old na bago natuto sa ibang words

Thành viên VIP

Yes its normal, make sure lang po kapag kakausapin nyo si baby is parang matanda na sya complete words and sentence