Kulang sa Gatas

Hi! Normal naman po na nag gegain ng weight baby ko. 3 months na siya and nasa 6 point something kilos and exclusively breastfed. Gusto ko lang ng other opinion from other people na hindi parents or in-laws ko kasi baka biased lang din yung judgment ko kaya ayokong makinig sa sinasabi nila about sa feeding ni baby. Since EBF, di ko alam ilang ounces nakukuha ni baby sakin but now na malapit na akong bumalik ng work, nasa 5ounces ng pumped milk ang nauubos niya. Pero po pag nagpapump ako, 3oz max lang nakukuha ko while nakabote siya (2 days pa po akong nagpupump but not exclusive kasi nakalatch siya pag gabi). Reason bakit may comment po sila na di sakto naiinom ni baby eh kasi madalas na siyang umiyak ngayong 3 months na siya. Hindi daw gaganyan si baby kung tama lang nakukuha niyang gatas. And it's not helping na parang nafifeel ko rin na bumababa supply ko. May times na umiiyak siya pagtapos ng dede. Ever since weeks old pa po siya, napansin ko po sakanya na ayaw niya talagang bumitaw kahit busog na siya and minsan nagagalit kapag wala na siyang nadedede pero ang dami niyang lungad kapag pinapaburp ko na which is sayang, sobra na pala pero ayaw niya tumigil. Pero hindi po yan always mga mi. May mga dede naman siya na alam kong satisfied na satisfied siya, and yun yung nagpapakalma sakin about sa supply ko. Ang nakakagalit lang po is yung mother in law ko. Ever since weeks old pa baby ko, lagi siyang may mga discouragement na nasasabi about sa supply ko which was not helpful at all. Pero kalaunan, umokay naman siya kasi nakita niyang marami yung gatas ko. Pero ngayon na 3months na si baby, may comment pala siyang ulit na ganyan na sa mother ko pa po narinig. Ngayon na nalaman ko, nakakasakit. Siguro natamaan pride ko hahahahaha iformula ko na lang kaya anak ko tas sila magbantay? Ewan ko ba. Lagi naman akong nagreresearch. Nakalimutan na ata nila na di lahat ng iyak ng baby eh gutom. Nakakalma ko naman anak ko. Nakakalma din ng mother ko. Si mother in law lang yung di nakakakalma, tapos ngayon may ganyan siyang comment. Naiinis ako kasi parang bumabalik sakin lahat ng discouragements niya nung nags-struggle pa ko mag breastfeed kay baby. Sino po ba may 3months old dito na minsan eh hindi maintindihan yung iyak o matagal makalma? Sigurado naman ho ako na hindi colic kasi di naman siya ganun katagal na umiiyak. Help po please? Sana may makarelate or sumagot para mapanatag lang din yung isip ko. Kasi nga baka tama sila at ako talaga yung mali huhu#advicepls #firstbaby #FTM

4 Các câu trả lời

TapFluencer

**Kung tingin nila umiiyak baby mo dahil kulang k sa gatas, try mo magprepare ng Bmilk or formula sa bote, then padede mo kay baby pagtapos mo mag BF sa tuwing iiyak sya. In that way mallaman mo kung gutom pa sya kaya umiiyak **About supply, nakakahina talaga ng supply ang stress kaya hanggat maari hanap k outlet mo kpag nastress ka na para maiwasan **from NB up to 3mos grabe din maglungad baby ko, dumating pa sa point na lumalabas sa ilong, I make sure na nakaburp si baby ng every after dede 4mos na baby ko naun, di na sya naglulungad ng madami. Hybrid set up namn kmi sa work (may days na ppasok sa office,may days na work from home) since back to work na mix feeding n kmi naun ni baby, isipin mo nalang mi un pag bF mo is para kay baby, indi para kay MIL mo, hayaan mo lang sya hehe

Hello mi, EBF din ako at 3 months old na din si baby. Para sakin satisfied ang baby ko sa nadedede niya sakin kasi unli latch siya eh nung mga unang buwan lang ako nag try na mag pump kasi di pa masiado labas ang utong ko nun pero nung lumabas na utong ko nag stop na ko mag pump. May nabasa kasi ako na kapag unli latch si baby tapos kaunti lang napupump mo wag ka daw mag worry kasi ang latch daw ni baby ay mas the best pa sa mga kung anong pang breast pump. Ang pinagkaiba lang natin mi si baby nabitaw na sa bobey ko kapag busog na. Baka need lang ni baby ng karga mo mi

hi po,sabi po kasi ng pedia at mga kakilala q. dala po ng stress at depression yung unti unting pag babawas or kumukunti yung gatas ng mommy.nakaka apekto dw po ito. hnd po kasi nakakatulong yung nga badside comments from your families. ako nawala talaga yung gatas q kasi subrang stress at depress po ako.

same tayo mi ang ginawa ko di ko siya inaalis sa dede maski umiiyak kasi parang wala ng makuha kasi ang supply daw depende sa demand, yung time na iyak sya ng iyak kasi walang nakukuha, sa sunod madagdag na kasi parang kulang ang supply.

Câu hỏi phổ biến