First time mom
Normal lang po ba na hindi pa dumadapa si baby? 4 months & 4 days na po sya eh. Nagwoworry lang po #1stimemom#firstbaby
every morning mo po excercise ang paa ,tuhod niya yong parang nag bike po siya then sanayin mo rin na nakatagilid siya .. baby ko kasi 3 months palang marunong na dumapa.. ngayon naman na 4 month and 21 days na sya nakakaupo na po siya sa bathtub pag maliligo .. hindi man po pare pareho ang development ng mga baby pero nasa magulang yan .. wag pwersahin kong hindi pa kaya ni baby pero pagsumikapan mo na paunti unti matuto siya..
Đọc thêmGanyan din ako na worry lalo na at d gusto ng baby ko ang tummy time, iiuak oag idadapa namin kaya wala siyang praktis pero nagukat na lang ako mga 4 o 5 months ata yun kusa siyang dumapa ng siya lang. Kaya ayun tuloy tuloy na siya habggang ngayon. Roll over na siya kaya takot ako baka mahulog sa bed kaya d na pwde iwanan.
Đọc thêmIkaw mismo magpractice sknya. Ihiga mo sya sa harap mo and then gently turn him over habang nasa below the chin naman ung dalawang hands nya. Tapos ibalik mo ulit sya sa dating pwesto then turn him over sa kabilang side nman. Nappractice mo n sya nakakapagbondin pa kayo. 😉
same po help mo din po si baby exercise mo po sya. Baby ko kaka 4 months and 4 days din sya now ang kaya nya palang eh tumagilid tapos pag nag ttummy time sya kaya nya itihaya sariki nya pero di pa nya kaya dumapa.
yes po okay lang yan mamsh😊 baby ko 6months na bago natutong tumagilid at dumapa pero dirediretso na 11 mons marunong na maglakad ng kanya. antay antay kalang mamsh😊
okay lang yan. kanya kanyang timing yan sila baby wag natin ipressure. and wag mo na lang pakinggan yung mga nag cocompare. mas alam mo capacity ni baby mommy. :)
okay lang momy.. not all babies are the same. pero you can try encouraging your baby through tummy time and exercise.
Ok lng yan, iba2 development ni bby
Sakin nga 2mo. Plang dumadapa na
ok lng yn