Baby Iyak ng Iyak sa ibang Tao
Normal lang po ba na ang baby umiiyak kpag may ibang tao? 8 months old na baby ko. Dati hindi naman siya umiiyak kapag hawak siya ng mga tao sa bahay namin. Pero ngayon ako nalang nakaka hawak sa kanya. Yung Tita Tito niya ayaw niya mag pakarga kahit sa ksambahay namin. Hahanapin niya ako agad kapag umihi lang ako or naligo. Dati naiiwan ko pa siya sa kasambahay. Single mom po ako so wala siya Daddy na kinalakihan. Kaming 2 lang lagi magkasama sa bahay. Ano dapat ko gawin para hindi na iyak ng iyak baby ko. Ang hirap na po ksi kumilos. Kahit naman po may kasambahay kmi may mga gawaing bahay pa din ako na ginagawa at ako din nag pprepare ng food niya.
Life's so EZ