Anxiety during pregnancy

Normal lang po ba mag overthink during pregnancy? Dami kong naiisip, natatakot ako what if magka-birth defect or problem during pregnancy and during delivery. Halos makikita mo pa sa social media na pregnancy journeys are about defects or miscarriages. 6th week nako, sa 8th pa ko makakapag paultrasound. Urine test at serum palang napapatest. Naka8x PT pa ko, it feels surreal pa kase. 1st worry ko now if healthy pregnancy or ectopic pregnancy 😣😥 Todo pray ako every day multiple times for normal and healthy pregnancy. Pero yung takot di pa rin nawawala. 1st pregnancy ko po. Hingi po sana ako ng tips para maovercome tong anxiety nararamdaman ko 😥😢😭

Anxiety during pregnancy
41 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mii, normal lang po yan pero try nating iwasan na mastress or magka-anxiety kasi napifeel to ni baby natin. Then, yung ectopic pregnancy, sa pagkakaalam ko po, maaga po yung nalalaman like sa first trimester. Think positive lang tayo mii and pray palagi. First time mom din po ako mii. Kaya natin yan. 💓💗

Đọc thêm

Pareho tayo. Ganyan na ganyan din ako before ma-ultrasound. Halos di ako makatulog nun kakaisip. Pero habang tumatagal, umuokey naman, kinakaya na ang overthinking. Di nalang ako masyado nag open ng social media accts ko. For peace of mind. 😅 Mawawala din yang worries mo, pray lang palagi. 😇

Same po tayo, medyo nag aalala din ako for my baby. I’m on my 12th week now. Kapag po kasi hindi na ko masyado nasusuka or nahihilo, iniisip ko baka hindi na ako buntis hehe. Pero tama po sila, wag na po natin isipin yung mga bagay na wala tayong control. Pag pray ko po kayo 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Thành viên VIP

Gangan din ako last time nung 1st trimester. Dami ko din bnabasa. Iwasan mo muna magbasa basa dapat lagi lang positive thoughts. If may mabasa kang negative, skip ka nalang. Di nakakatulong lalo first trimester ka palang. Kanya2 naman po tayo ng pregnancy journey. Always pray lang po and be positive.

Đọc thêm

Normal po yun maiisip mo yung mga ganung sitwasyon ,kaya dapat ang Fear ma overcome natin yun.Mahalaga po talaga ang prayer lalo na sa sitwasyon natin..Kaya sa prayer natin magtiwala lang po tayo para hind maapektuhan ang baby GOD is in control everything .Kaya ipagkatiwala lang natin po sa kanya.

Ganyan po talaga mii. ako man naranasan ko yan hanggat di ako nauultrasound na buo si baby di ako mapanatag. sana kumpleto sana walang cleft lip sana ok lahat alam ko po yang feeling nayan at dininig naman lahat ng prayers ko. dasal lang. isip ka ngayon dasal later hanggang sa maging ok ka.

FTM here, after almost 9 years. The Lord is so good kaya nasasapawan nun yung mga negativity. Labanan ang isip, though mind has a power BUT prayer is the most powerful weapon. nakakahiya sa Panginoon na mag isip ng hindi maganda sa Kanyang bigay o likha. congratulations to us FTMoms!

Same tayo mommy, I am on my 6th week. Nung 5th week ko nagpa TVS agad ako to make sure na pregnant talaga ako. Gestational sac pa lang nakikita. Nag ooverthink minsan, pero pray lang and on the positive side na okay na okay si baby 🙏

sa socmed kasi mommy kung ano yung lagi mong may interactions na posts yun ang lalabas lagi sa NF mo, if di kayang maiwasan ang socmed try mo mag search nung puro positive lang pagka may makita kang ikakastress mo i hide mo na agad.

same tayo. kasu ako yung anxiety ko naman since normal naman sa regular check ups ko ang baby. my concern is yung time na manganganak na ako or mag labor takot kasi ako sa mga ganyan. mahina pa pain tolerance ko. I'm so scared😔