4 Các câu trả lời

live in partner so dapat alam na alam mo na ugali nya bago kapa nabuntis.. isipain mo nalang Kung dipa mag bago yan matitiis mo bang ginaganyan ka nya? biggest red flag ang lalakeng walng respeto sa partner nya lalo na kung buntis.. he is giving you a hard time while having a hard time being pregnant. i know this is not a healthy tactics but give him a silent treatment then if he ask tell him lahat ng mga masasakit na sinasabi nya sayo like "mahina kokote" or baka naman ganyan kayo mag usap talaga at nasanay na lang syang nagsasalitaan kayo ng ganyan? na feeling nya normal nalang yan ganyang word sainyo? better to talk to him bago pa lumala.. kesa mag isip ka ng mga negative na bagay..

Nag live in lang naman po kami nung nabuntis na ako, I'm currently 7 months pregnant po 4 months tiyan ko nung nagsama kami. Ilang beses ako nag attempt na magopen sa kanya in a nice way kaso laging ganyan mga sagot niya, may time pa nga na nagchat sakin yung ex niya na kesyo naguusap pa daw sila last December and magkikita din sila nagsend din sakin screenshots dineny niya sakin yun since ibang acc at ang sabi pa niya "Ikaw kung anong desisyon mo kung makikipaghiwalay ka na, ibebenta ko na lang lahat tong mga gamit" tama ba yun mi?

Red flag naman nyang ka live in partner mo. super emotional ng mga buntis tas kung pano ka nya pagsalitaan or tratuhin eh parang hindi mo dala dala yung anak nya. Ako nga one time sinabihan ako ng asawa kong maarte ay jusko nagaway talaga kami ng malala hindi sya nakatiis sa iyak ko kaya grabe din yung suyo na ginawa nya simula non hindi na naulit yon dahil takot din sya na baka ano din mangyari sa anak nya. Dapat kung may anak na kayo lagi kayong open sa isat isa lagi nyong papakinggan yung mga kwento nila kahit walang kwenta dahil isa yon sa way para mas tumibay yung relasyon nyo.

Alam mo mi hanggang ngayon natitiis niya pa din ako lagi niya din sinasabi sakin na "kapag may nangyari diyan sa dala dala mo kasalanan mo yun mahina kasi kokote mo" kaya silent treatment na lang ako kapag may pagtatalo sobrang sama ng loob ko pero mas pinipili ko na lang manahimik kasi hindi naman ako mapapakinggan. Gaslighting na ginagawa niya hindi ko pa kasi kaya sa ngayon na iwan siya dahil wala ko work and wala ko mauwian na pamilya. Minumura pa ako niyan

Same Case po ganyan din po lip ko tapos nandito pa ko sa bahay nila kaya lagi ako tutok sa cp kakulitan ko mga kapatid ko sa chat🥹 hirap kase ng kinikimkim mo yung mga gusto mo sabihin eh. gaya pag naoopen ko yung sa CS pag manganganak since first pregnancy ko po syempre worried ako kung kaya ko plba mag normal delivery o hindi tapos sasabihin nya "yan kakapanood mo yan sa Facebook kung ano ano kase mga pinapanood mo tinatakot mo sarili mo" tatameme nalang ako.

parang mas gusto ko na nga lang po sa amin ulit eh dun sa mama ko, tameme ako lagi dito sa kanila sya panay invalidate sa feelings ko, yung mama naman nya mabait naman po kaso lang naiilang ako kahit yung tipong antok na antok na ko di ko magawang matulog dahil next day pag naopen nya na about sa tulog tulog ko eh sisitahin ako na wag daw ako masyado natutulog. everyday ang tulog ko po nasa 6hrs lang dahil sa gabi 12am or 1am na ko nakakatulog mii tapos gigising pa ko ng 4am para mag prepare ng baon at pagkain ng lip ko tapos di na ko ulit makakatulog nun :( di ko alam mii di kase ako sociable kaya siguro naiilang ako kapag nasa ibang bahay ako😔 7months pregnant ako ngayon nakakainis lang kase malayo ako sa family ko, kulong lang ako dito sa bahay nila nakakalabas lang ako kapag check up ko once a month

ang toxic nya. shuta sya. minsan nga sampulan mo ng arte ung matindi para damang dama

edi ibahin mo naman. lumabas ka maggala ka sa mga kamag anak mo. wag mo.muna pag papansinin pagpinuna ka sabihin mo nagsasawa kana ang toxic kamo nya or better yet sabihin mo iniisip lang nya un maarte lang sya

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan