Ako lang ba?
Normal lang ba to mi sa buntis nawawalan na ko ng amor sa live in partner ko. Lagi kasing naiinvalidate yung nararamdaman ko tuwing magoopen up ako sa kanya yung mga bagay na di ko gusto at uncomfortable sakin kontra sya sa lahat ng sinasabi ko, hindi ko naman kailangan ng opinion niya gusto ko lang magopen up para di maipon yung sama ng loob ko. Kaso lagi niya sinasabi sakin "nasa isip mo lang yan" "negative mo kasi masyado" "paniwalaan mo gusto mong paniwalaan" "ang hina ng kokote mo" "kakanuod mo sa fb yan sinasabuhay mo kasi" Ang hirap magbubtis lali na kapag walang emotional support. Nasasanay na ako manahimik na lang at mawalan ng pake sa lahat.
live in partner so dapat alam na alam mo na ugali nya bago kapa nabuntis.. isipain mo nalang Kung dipa mag bago yan matitiis mo bang ginaganyan ka nya? biggest red flag ang lalakeng walng respeto sa partner nya lalo na kung buntis.. he is giving you a hard time while having a hard time being pregnant. i know this is not a healthy tactics but give him a silent treatment then if he ask tell him lahat ng mga masasakit na sinasabi nya sayo like "mahina kokote" or baka naman ganyan kayo mag usap talaga at nasanay na lang syang nagsasalitaan kayo ng ganyan? na feeling nya normal nalang yan ganyang word sainyo? better to talk to him bago pa lumala.. kesa mag isip ka ng mga negative na bagay..
Đọc thêmRed flag naman nyang ka live in partner mo. super emotional ng mga buntis tas kung pano ka nya pagsalitaan or tratuhin eh parang hindi mo dala dala yung anak nya. Ako nga one time sinabihan ako ng asawa kong maarte ay jusko nagaway talaga kami ng malala hindi sya nakatiis sa iyak ko kaya grabe din yung suyo na ginawa nya simula non hindi na naulit yon dahil takot din sya na baka ano din mangyari sa anak nya. Dapat kung may anak na kayo lagi kayong open sa isat isa lagi nyong papakinggan yung mga kwento nila kahit walang kwenta dahil isa yon sa way para mas tumibay yung relasyon nyo.
Đọc thêmAlam mo mi hanggang ngayon natitiis niya pa din ako lagi niya din sinasabi sakin na "kapag may nangyari diyan sa dala dala mo kasalanan mo yun mahina kasi kokote mo" kaya silent treatment na lang ako kapag may pagtatalo sobrang sama ng loob ko pero mas pinipili ko na lang manahimik kasi hindi naman ako mapapakinggan. Gaslighting na ginagawa niya hindi ko pa kasi kaya sa ngayon na iwan siya dahil wala ko work and wala ko mauwian na pamilya. Minumura pa ako niyan
Same Case po ganyan din po lip ko tapos nandito pa ko sa bahay nila kaya lagi ako tutok sa cp kakulitan ko mga kapatid ko sa chat🥹 hirap kase ng kinikimkim mo yung mga gusto mo sabihin eh. gaya pag naoopen ko yung sa CS pag manganganak since first pregnancy ko po syempre worried ako kung kaya ko plba mag normal delivery o hindi tapos sasabihin nya "yan kakapanood mo yan sa Facebook kung ano ano kase mga pinapanood mo tinatakot mo sarili mo" tatameme nalang ako.
Đọc thêmparang mas gusto ko na nga lang po sa amin ulit eh dun sa mama ko, tameme ako lagi dito sa kanila sya panay invalidate sa feelings ko, yung mama naman nya mabait naman po kaso lang naiilang ako kahit yung tipong antok na antok na ko di ko magawang matulog dahil next day pag naopen nya na about sa tulog tulog ko eh sisitahin ako na wag daw ako masyado natutulog. everyday ang tulog ko po nasa 6hrs lang dahil sa gabi 12am or 1am na ko nakakatulog mii tapos gigising pa ko ng 4am para mag prepare ng baon at pagkain ng lip ko tapos di na ko ulit makakatulog nun :( di ko alam mii di kase ako sociable kaya siguro naiilang ako kapag nasa ibang bahay ako😔 7months pregnant ako ngayon nakakainis lang kase malayo ako sa family ko, kulong lang ako dito sa bahay nila nakakalabas lang ako kapag check up ko once a month
ang toxic nya. shuta sya. minsan nga sampulan mo ng arte ung matindi para damang dama
edi ibahin mo naman. lumabas ka maggala ka sa mga kamag anak mo. wag mo.muna pag papansinin pagpinuna ka sabihin mo nagsasawa kana ang toxic kamo nya or better yet sabihin mo iniisip lang nya un maarte lang sya
Excited to become a mum