Umiiyak ng tulog si baby
Hello. Normal ba na nag iiyak ang 1 yr and 3mos ko na baby while sleeping. As in iiyak na akala mo kinurot o ano tapos magpapagulong lang sa higaan, pag kinarga mo same na di mapakali at umiiyak. Tapos maya maya eh okay na tulog na ulit. Always ganun kahit umaga, hapon, gabi o madaling araw. Nagstart nung nagbukod kami. Akala ko namamahay lang pero up until now na mag 1 month na kami eh same pa rin. Pag gising naman siya eh masigla naman. Bakit kaya ganun? Nasa stage lang ba siya na ganun? Or sobra sa laro (since super playful at harot kasi niya)? Or may maligno o multo na nang iistorbo sakanya (lol) Salamat po.
Songsong's Mommy