UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

isa lang naman ang pag isipan mo..... yong habang buhay mong pagsisisham dahil ikaw mismo pumatay sa anak mo..... kung gusto mo ipalaglag yong bata... besides kasalanan mo din kasi ikaw ang may control sa sarili mo.. kung alam mo tagilid yong status mo sa bf mo dapat gumawa k ng action or desisyon..... hindi kasalanan ng bata kung mabuo sya... magulang ang may kasalanan kahit bunga p ng pagtataksil..... yong asawa ko nakabuntis ng iba.... galit ako sa kanila pero sa bata sympre hindi wala namang kasalanan yon... tsaka nanay nya higad tlga ... desperada kaya nabuntis..... panindigan mo ang pagiging ina.. mahirap man ngayon pero kayanin mo para sa anak mo... tanging ikaw lang ang pwede magmahal at magpahalaga sa kanya.... malalagpasan mo din yan.... sa DIYOS k kumapit ng pag asa..... against man sayo family ng bf mo wala k ng magagawa... make yourself better.... yong bf mo wag k ng masyado mag depend sa kanya kasi in the first place hindi sya tapat sayo..... stand for yourself and sa baby mo...... marami ng nagpalaglag na hindi naging masaya sa buhay at nagsisisi wag k ng dumagdag pa.... kaya mo yan.... gawin mo nalang inspiration yong baby mo..... kailangan k nya bilang nanay at hindi papatay sa kanya.... better think and pray..... mahal k ng DIYOS sa kanya lang may forever👍✅ cheer up!!!! hugssss for you sis😊

Đọc thêm

Advice ko Lang sis Kung d man kau ok NG bf mo at ganyan Ang sitwasyon mo ngaun,wag mo idamay Ang baby mo dahil Yan Ang magmamahal sau at kasama mo pagdating ng panahon,madaming ganyang sitwasyon sau single mom pero may nhanap parin sila na magmamahal at tatanggap sakanila NG buo.at isipin mo nalang sis na may purpose so Lord Kaya bingay nya sau yang anghel na yan.ung bf mo d cya worth it para sau,pero c baby mo snasabi ko sau Napaka price less Yan pag lmbas Yan..lahat NG pain at pinagdaanan mo nwawala pag nkita mo cya.regarding Naman sa mga pamilya mo na iniisip mong itatakwil or Hindi maganda iisipin sau,hayaan mo sila dahil at the end pamilya parin Kayo at mapapatawad ka Rin NG mga yan.and as you have said nasa hustong edad kana at may work ka Naman so madaming ways para mabuhay mo yang maging anak mo. Share ko Lang sis ganyan na ganyan din ngyari sakin samin NG ex ko,as in same situation pero hinayaan ko na Lang ung guy at nag move on ako kasama NG baby ko and at the end nasa Amin parin Ang suporta NG pamilya ko sakin. Until such time na nakilala ko Yung husband ko tinaggap ako khit may anak ako at pinakasalan ako at mag aapat na anak namin ngaun.. SBI nga sis there's a rainbow after the rain,lahat may hangganan so yang problem mo or pinagdaanan mo ngaun may hangganan...Faith Lang Kay Lord🙏 iguguide ka nya😘

Đọc thêm

wala ka bang friends mommy? mommy na itatawag ko sayo kasi alam kong di mo kakayaning ipalaglag si baby. alam kong hindi naman namin masasabi kung gaano kahirap sitwasyon mo pero eto lang masasabi ko, wag na wag kang gagawa ng isang bagay na pagsisisihan mo sa huli. maaring ngayon ang naiisip mong solusyon ay ipalaglag si baby, pero sure ako in the future kakainin ka ng konsensya mo. much better na ikeep mo sya, mahirap sa umpisa oo, pero paglaki nya, maiisip mong napakasama mo para minsang isiping ipalaglag sya. kung meron kang friends na pwedeng mapakiusapan na dun ka muna, go. iwanan mo na yan bf mo kasi di din deserve ni baby magkaron ng amang katulad nya. kaya mo yan mommy, lalot may work ka naman. kung hindi ka naman tutulungan ng pamilya mo, isantabi mo muna ang responsiblidad mo sa kanila. kasi ibig sabihin, kilala ka lang nila kapag okay ka. pero kapag nagkamali ka, limot ka na. kung wala ka naman friends, kumuha ka ng kasambahay na pwede mong makakatulong pagkapanganak mo. ngayon na 3 months pa lang naman baby mo marami ka pang oras makapaghanda. wag ka na muna magsupport sa family mo, kung papabayaan ka din naman pala nila. kaya mo yan mommy. wag si baby ang pagbalingan mo ng frustrations. balang araw titingnan mo sya at masasabi mong sa dinami dami bg mali mong nagawa, may isang bagay na nagawa kang tama.

Đọc thêm

Sis, same situation. Yung sakin nung nalaman kong buntis ako going 5 months na yun tyan ko. Irregular kasi ako saka namayat ako ng sobra. Nung sinabi ko sa boyfriend ko tuwang tuwa sya pangarap nya kasi. Tapos two weeks after namin malaman gender ni baby and everything, bigla na lang syang di nagparamdam ng halos isang linggo. Nagduda ako. Every night kinakausap ko baby ko na sana wag kaming iwan ng daddy nya. Until one day, nagmessage ako sa daddy kinamusta ko. Ang sagot sakin, litong lito daw sya kasi may babae pala sya at buntis din daw nalaman nya kelan lang, 6 weeks naman. That same day nag pre term labor ako. Sa sobrang stress siguro and all. Nung sinabi ko sa daddy na nasa ospital ako pinapapunta ko sya para alalayan kami ng baby nya- ang sagot nya sakin nag aalala daw sya baka makunan daw yun babae nya kasi 6 weeks preggy pa lang. E ako daw nasa second term na. Alam mo sis, kahit sobrang sakit at hirap sakin, paglabas ko ng ospital di ko na uli kinausap yun gagong lalaking yun. Kahit hirap na hirap ako ngayon (8months preggy na ko) hindi sumagi sa isip kong makipag communicate pa sa gagong yun. Panganay din ako, bread winner din. Nag aaral pa yun kapatid ko. Pero kakayanin ko para sa baby ko. Dasal lang sis. Maniwala ka sakin, malaking tulong ang dasal. Iiyak mo kay Lord lahat. Yang baby mo ang gawin mong lakas.

Đọc thêm

lagi mong isipin na WALANG KASALANAN YUNG BATA SA LAHAT NG MGA NANGYARE SAYO, KAYA WAG MO SYANG IDAMAY SA GALIT MO SA BF MO AT SA MGA TAONG NAKAPALIGID SAYO. Im a single mom of a beautiful girl, yung father ng baby ko is my pamilya pala, sabi nya sakin hiwalay na sila pero hindi pala. Im a degree holder tska malaki ang expectation sakin ng mga magulang ko pero eto nabuntis ako ng lalakeng my pamilya sobrang sakit lalo na s part ng magulang ko pero wala na silang nagawa kaya tinanggap nalang nila, pero trust me once na lumbas si baby mo lahat ng puot sa dibdib mo unti-unting mawawala, sobrang sarap sa pakiramdam pag nahawakan muna sila, at yung parents ko tuwang tuwa dahil sa baby ko, halos sila yung gumastos simula nung nanganak ako hanggang ngayon sa mga gatas ng baby ko, magpakumbaba lang tayo kasi sa mga panahon down na down tayo MAGULANG lang naten ang malalapitan at kakapitan naten sa lahat, At Magdasal ka lang palagi na gabayan at bigyan ka ng peace of mind dahil lahat ng mga nangyayare satin ay my dahilan, Hope na sana makatulong itong message ko/namin sayo. Hindi ka nagiisa sis, marami tayong my ganyan kwento at karanasan, kailangan naten tatagan ang sarili naten para sa pamilya at anak naten. Kaya mo yan! JUST ALWAYS LOOK ON THE BRIGHTER SIDE, God bless you sis! BUNDLE OF JOY yang nasa tiyan mo. 😊😇

Đọc thêm

This is a no brainer...wala kang karapatan kitilin ang buhay ng batang nasa sinapupunan mo. Kung ayaw mo na masaktan edi palayain mo sarili mo sa jowa mong sinungaling. Kung ayaw mong maging single parent edi ipaampon mo yung bata, hindi yung iisipin mong ipalalag. Lakas ng loob mong sabihin na "kasalanan kay Lord" pero the fact na iniisip mong pumatay ng batang walang kamalay malay eh kasalanan na yan. Sa totoo lang ang daling solusyonan ng problema mo pero ikaw sa sarili mo ang ayaw kumilos para di ka na masaktan. Napaka blessed mo na may baby ka na at your age, yung iba kung anu-ano pa ginagawa at gumagastos para lang magkaanak. Gusto mong bawiaan jowa mo, kung gusto mo man i-keep ang bata, pwede ka mag demand ng sustento, file ka sa court...hindi yung paparusahan mo eh yung bata at ang sarili mo. Sya ang nagkamali, bakit ang bata ang magsusuffer? Napaka walang puso at walang utak ang mag-iisip ng magpa-abort ng bata. Kita mo di ko ng "anonymous" dito sa comment na ito, dahil nakakainis yung tumatakbo sa isip mo.Wala ako paki-alam kung ibash ako dito dahil sa sinabi ko. Napaka-weak ng faith mo para isiping pumatay ng bata. Sabi mo nasa right age ka na para magkaanak, pero sa utak mo ngayon mas mature pa mag-isip yung bata sa loob ng tiyan mo. Wala, again...WALA kang karapatang kumitin ng buhay.

Đọc thêm
Thành viên VIP

I feel you momshee. Andun yung betrayal of trust, condemnation from people at para bang wala nang way out. Sbi mo, gusto mo gawin ang tama at ituloy ang pregnancy dahil kasalanan sa Diyos ang pagpatay. Tama ka dun momshee. Pero di mo kailangan magtiis sa piling ng isang lalaking walang tunay na pagmamahal para sa iyo. True love is a deeply committed love. A love that is committed to bring out the best, not the beast in you. A love that empowers you to bloom and be your best self. A love that inspires you to be who God purposed you to be. It is time for you to free yourself from that one-sided relationship. Tama ka, hindi enough ang sorry ng lalaking yun. Children are a gift from the LORD. Momshee, God has allowed you to be pregnant for you to experience His grace and mercy in your life. At makita mo na kaya mo, momshee, dahil sasamahan ka ni God. Maraming solo moms, solo parents and na-amaze ako paano nila naexperience that they are SOLOved by God. Kasi they chose to do the right thing. They chose to forgive. They chose to step out in faith and leave their toxic relationships and instead enjoy a relationship with God thru Jesus Christ. You CAN choose life for yourself and live for your baby, momshee. You are not alone. God is for you, not against you and He loves you with a love like no other. 💕

Đọc thêm

Same situation here sis, breadwinner ako. Currently may housing loan pa ko ng binabayaran ngayon at the same time, I'm 6mos pregnant. At first, naisip ko din ipalaglag ung baby ko dahil sa panlolokong ginawa ng ex ko pero nung makita ko ung heartbeat ni baby sa ultrasound, napaiyak ako sa pagsisisi na ipalaglag sya dahil wala syang kasalanan. Sobrang sarap sa feeling na makita mong may tumitibok na puso sa baby na dinadala mo. Blessing saten toh bilang babae sis. Sabi nga, the essence of being a woman is to bear a child. I don't care kung mag-isa lang ako magpalaki sknya, ang mahalaga, mapagtagumpayan ko na mairaos ang blessing na toh na binigay ni Lord. At natakot din ako na kung ipalaglag ko c baby eh baka hindi nko bigla ni Lord ng another baby kung kelan ready nko. Kaya eto, kinakaya ko kahit mag-isa lang ako sa pagtataguyod nito kahit pa sa balikat ko din nakakapit ang pamilya ko. Don't worry sis, God will provide. May plan sya kung bakit binigay nya saten c baby sa worst part ng buhay naten. Para saken, etong baby ko ang greatest gift saken ni Lord kaya aalagaan ko tong mabuti at mamahalin kahit kami lang dalawa. Syempre kasama na ng pamilya. Have faith to God sis, hindi nya tayo pababayaan. Mas pinagpapala nya tayong mga single parent dahil kaya naten itaguyod ang baby naten na mag-isa.

Đọc thêm

I DID IT AND I REGRET IT UNTIL NOW. Sis, ginawa ko rin yung naiisip mong gawin. Pero yung sitwasyon ko, hindi ko pa kaya. May isa pa akong bata na binubuhay. Di pa namin kaya. At isa pa, hindi rin ako sigurado na ang daddy niya eh kaya bang magpakatatay sa anak ko lalo na't ang dami niyang anak na na neglect din. So sad to say, ginawa ko siya.. Alam mo ba? Pinagsisihan ko yun ate? Isang buong taon, gabi gabi naiiyak ako. Tinatanong konyung sarili ko kung bakit ang selfish ko. Bakit hindi ako naging matapang. Bakit di ko pinili yung anak ko. Kung pwede ko lang ibalik yung araw na nagdecide ako.... pipiliin ko nalang yung anak ko. Pero wala na ate, nagawa ko na. Pero nag dasal ako.. humingi akong isa pang pagkakataon kay Lord. Isang pagkakataon para itama yung pagkakamali ko... Syempre sa tamang panahon nalang. Pag sigurado nako at pag kaya ko na. Almost 2 years ago na yung nangyari... tapos neto lang, nalaman ko... pregnant ulit ako. and this time PINILI KO SI BABY ❤️ I CHOSE TO CONTINUE MY BABY WITH OR WITHOUT HIS FATHER. HINDI TO IBIBIGAY NI GOD KUNG HINDI KO TO KAYA. BUHAY ANG USAPAN DITO. HINDI TO LARUAN SA DIYOS NA IBIBIGAY NYA SA TAONG HINDI KAKAYANIN NA BUHAYIN. TANDAAN MO ATE, SI GOD ANG NAGPLANO IBIGAY SAYO YAN. ALAM NIYANH KAYA MONG BUHAYIN YAN. KAYA BUHAYIN MO.

Đọc thêm

Nalagay rn aqo sa sitwasyon mong yang 5yrs ago,mahirap sa umpisa at nakakatakot..pro nilakasan qo ang loob qo humarap aqo sa pamilya qo itinago qo sa nanay qo ang pagbbuntis qo nalamn nya lang 7mons na ang tyan qo.pro pinatawad nya rn aqo after few days,naawa pa sken ang nanay qo.huminge aqo ng tawad sa mgulang qo.aftr few yrs naka move on aqo sa ex aqo,naging masaya kmi ng anak qo khit wla sa tabi nmin ang tatay nya at khit wla ni singkong sustento ang anak qo sa knya.kinaya qong mag isa!sinuportahan aqo ng magulang qo..ngaun im happily married na,tinanggap ng asawa qo ang anak qo sa pagka dalaga ganun rn ang pamilya ng asawa qo.ngaun im preggy ulit manganganak na qo nextyr january.namulatan ng anak qo na ang totoo nyang tatay ay ang asawa qo. 5yrs old na ung anak qo nung nakilala qo ang asawa qo ngaun.Dasal ka lang ng dasal momsh! Malalagpasan mo rn lahat yan.makakabangon kang muli.wag mong ipalaglag ang anak mo,masarap ang may anak! Nung nagkahiwalay kmi ng ex qo,sabi qo sa srili qo.kaya qong wla sa buhay qo ang lalaking walang kwenta kesa mawala saken ang anak qo.ni minsan hnd sumagi sa isip qo na ipatanggal ang anak qo.ngaun 11 yrs old na anak qo,ang talino,mabait,malambing at talented pa.achiever sya sa school! Boundle of joy sya ng pamilya nmin at mahal na mahal sya ng magulang qo.🙂

Đọc thêm