UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I HOPE YOU WILL READ THIS. I have the same situation as yours. Na buntis din ng partner ko ang Ex nya, ang masakit pa don, sabay ang pagbubuntis nmin same weeks as in. Nung una para akong pinagsakluban ng lang it at lupa, almost 4 yrs kmi magka live in ng partner ko kaya hndi ko matanggap. Nung nalaman ko ang nangyari gusto ko na rin mamatay. Pero natauhan ako na Mali yun, dahil matagal Kong hiniling na magkaron ng baby. Ayoko syang patawarin sa nagawa nya pero dahil sa pagmamahal ko sa tao pinili ko parin magkasama sya para na rin sa anak ko at dahil mahal ko sya.. Ginagawa nya lahat ngayon khit Alam nya na hindi ko makakalimutan lahat ng ngyari habangbuhay. Mas pinili Kong maging maayos at manatili sa katinuan para sa anak ko. Ang difference lang natin is, never ako pinagsalitaan ng hndi maganda ng partner ko, lahat ng pag bawi ginagawa nya, ang pamilya nya mahal ako at sinusuportahan sa pinag dadaanan ko. Never na never pumasok sa isip ko na isuko ang baby ko dahil mahal ko ang Diyos. Sana sis isipin mo ang para sa anak mo nlng, if ayaw mo na mkisama sa partner mo gawin mo, kaya mo yan don't give up, walang kasalanan ang bata. Maging strong ka at laging makipag usap kay Lord. I'm 18 weeks pregnant and my baby is okay sa tyan ko, I'm happy ang excited. Sa baby mo ikaw kumuha ng lakas at kay Lord.

Đọc thêm
5y trước

Hala.... Mga irresponsible talaga mga lalaki lalo pinoy. Grrrr..

Wag mo hayaan na makagawa ka ng kasalanan dahil sa taong walang kwenta. Ganyan din naging kalagayan ko sis. Ang pag kakaiba lang natin ahead ako ng 4 months dun sa babae. 5 months na akong buntis nung nalaman ko na 1 month naman buntis yung isang babae. Nag decide ako na pabayaan na yung tatay ng anak ko. Ano naman kung lalaki siyang walang tatay. Mas masakit para sa akin kung lalaki siya na anjan tatay niya pero mararamdaman niya yung magulong sitwasyon. Ayoko isipin niya na okay lang yun. Alam mo nung malapit na ako manganak bumalik yung tatay ng anak ko. Nakikipag balikan. Ako daw tlaga mahal niya. Hanggang ngayon 5 months na yung baby ko at nanganak na din yung isang babae. Nag pupursige pa din siya na maayos daw kami. Sa ngayon baby ko lang ang priority ko. Gaya mo mahirap na din akong magtiwala. Na kahit na sinasabi niya sa akin na yung bata nalang daw connection niya sa isa. Hindi na ako naniniwala. Wag ka mag papadala sa takot. Wag ka mag isip na kung ano ang sasabihin ng iba. Ako nga pinaalis pa ako ng tatay ko sa bahay dahil sa nangyari sa akin. Hindi nila matanggap. Pero hindi ako nawalan ng pag asa. Nung nanganak ako nakita nila yung apo nila masaya sila. Kung ipapalaglag mo yan sis. Habang buhay mo na yan dadalhin. Mahirap mabuhay ng may guilt sa puso.

Đọc thêm

Same situation po mam. Ako po 3months pregnant po tapos yung bf ko nakabuntis din pala at ang nabuntis nya pa ay yung kabarkada nya nung high school. 4years na kami nung bf ko and siguro 1yr na silang lagi lagi magkakasama nung barkadahan nila ilang beses nadin ako niloko nung bf ko pero dahil sa pagmamahal ko sakanya paulit ulit ko pa din syang tinatanggap at pinapatawad at yun ang naging dahilan para abusuhin na ako. So eto nanga 1month na akong delay so excited ako nangarap na ako e kasi regular naman po ang mens ko so nung nadelay ako alam kona agad then yun nanga nung 1month nakong delay saka sinabi sakin nung bf ko na buntis daw yung si girl grabeee sobrang sakit para sakin at ang lalong mas masakit mas nauna ung nabuntis kesa sakin😭 Sobrang down na down ako kasi pinamumuka nya sakin na mas pipiliin nya yun kesa samin pero kahit ganito nangyayare hindi ko po naisip na ipalaglag ang baby ko kasi first wala nama kasalanan ang mga baby and baby is a blessing from God😇 Hindi naman po tayo ilalagay ng panginoon sa ganitong sitwasyon kung hindi natin ito kakayanin trust in him mam😊 Always pray lang po. Ako po kasi hindi kona ipipilit ang sarili ko don sa ex ko Ipagpasa Dyos kona lang ang lahat at aalagan at palalakihin ko ng maayos ang anak ko anjan man sya o wala sa tabi nmin😇

Đọc thêm

hello po,naiintndihannq ang sitwasyon mo sis,been there sa totoo lng.hnd q nmn naisip.mgpkamatay pro gs2 q nlng na maaksdenti nun..4 mos na nun tummy q pro undcided prin aq..alm mo ms mhirap ngang stwasyon q kz ung bf q my fmily na pla..gs2 q dn nun ipalaglag baby q pra mkalaya nlng sknya ng tluyan at mkapgsimula dn aq ng buhay q ult..im 29y,o at pnganay na anak aq anyway..at tulad mo ntatakot dn aq sa sasabhn ng fmily q lalo na ngyari to dhil lng ndistino q sa mdyo mlayo sa amin kya knailngan k mgboard.hnd lng fmily q ang iniisip q pti na rn sasabihn nung mga workm8s q sa dting branch q..and worst alm mo ba,hnd lng naisp gwin un..ive tried tlga..fortunately wlang msamang ngyari sa baby q..now.nkapnganak n nga aq.and im happy na hnd q tuluyang pnalaglag baby..mdami dn aqng nririnig na k anu2ng slita.mula sa mama q.pro sbi nmn ng iba sa umpisa lng dw yan..mtatanggap dn nila yn..ngyon mga kpatid q khit panu ntutuwa ndin sa baby q..aq lng dn hlos ang inaashan q pra smin pro ok lng..hnd q pa dn alm k anu gagawin q pgbabalik na q sa work.panu c baby pro mhahanapan nmn ng solusyon yn..ang srap lng sa.pkiramdam na nkita q ung baby q na maayos..ngyon sknya q nlng ifucos lhat ng oras q.xa nlng ang inspiration q..sna ikw dn..wwg kng pnghinaan ng loob.,mkakayanan mo din yn sis..pray ka lng lagi.

Đọc thêm

Ate alam mo ba lahat ng tao judgemental lahat may masasabi sayo maging mabuti ka man or hindi. Ayang baby mo ingatan mo. Wag na wag mong iisipin na ipa abort yan at higit sa lahat wag na wag mong gagawin. Bakit kamo? Ayan ung magiging kakampi mo at kasangga mo sa bawat pagsubok at hamon mo sa buhay. Sa ngayon oo masakit kasi naaalala mo sakanya ung asawa mo na nagtaksil sayo pero alam ba yang baby na yan ung magpapatibay sayo. Na sa araw araw may dahilan ka para gumising at lumaban. Pag mejo lumaki laki na sya mga 3 and up. Dyan mo mararamdaman na lambingin ka nya na kahit anong pagsubok kahit pagod ka na feeling mo kayang kaya mong lampasan dahil sakanya. Mas higit pa sa pagmamahal na hinahanap mo sa asawa mo, sa pamilya mo at sa ibang tao ung matatamasa mo pag nandyan at pinahalagahan mo ung anak mo. Tska ung ugali na makukuha sa tatay nya? Wag mo ipangamba yon dahil sayo nakasalalay kung paano lalaki ng maayos ung baby mo. Kung hindi man gusto at tanggap ng mga tao ung baby mo ikaw mismo ang tumanggap at magmahal sakanya. Dahil tiyak ko sayo pag minahal mo ng lubos yang anak mo hinding hindi ka nyan iiwan. Marami pa akong gustong sabihin sayo ate. Bigay ko nlng sayo fb ko. Ganyan dn ako pero di ko naisip na magpaabort kasi blessing yung baby. Stay strong laban lang!

Đọc thêm

Didiretsohin kita. Una sa lahat, base sa kwento mo, wala syang kwentang lalake. Iwanan mo na yan, pabigat lang sya sayo. Hindi sya kawalan. Pangalawa, ipagpatuloy mo ang pagbubuntis mo. Baket? Kasi kung ipapalaglag mo yan, malaking kasalanan yan sa Dyos, at pagsisisihan mo yan habang buhay, hanggang sa kabilang buhay. Pangalawa, labag yan sa batas at maaari kang makulong kung mapatunayang sinadya mong ilaglag ang baby mo. Pangatlo, dahil illegal ang abortion dito sa pilipinas, WALANG SAFE na paraan para magawa mo ito. Maaari mong ikapahamak at mag cause ng long term health effects ito, or worse maaari mo itong ikamatay. Ask your doctor if im lying about it. Dyos ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay at sa kanya din nanggagaling ang lahat ng bagay, including ang baby mo. Maaaring hindi mo pa narerealize ngayon dahil sa hinananakit mo sa boyfriend mo. Pero wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo habang buhay. Yang walang kwentang lalakeng yan, makakalimutan mo din sya kapag nag move on ka na. Pero magtiwala ka, kapag naipanganak mo na ang anak mo, magtataka ka kung bakit minsan mong naisip na ipalaglag sya. Hindi perpekto ang buhay natin. Kelangan mo lang magtiwala sa Dyos na sya ang gagawa ng paraan. At hindi ang pagpatay sa baby mo ang paraan na iyon. Magdasal ka palagi.

Đọc thêm

hi sis. ive read ur story. I am sorry to know. Kaso WAG mo ipalaglag yang baby mo. 3 months kn. May buhay na sia sis. Kung aq nasa sitwasyon mo, iiwan q sia kesehoda na maghirap aq or magalit man family q bahala na. Basta binuhay q ang baby ko. Nd importamte ang lalaki sa buhay. Ung baby mo ung pinaka importante since ibinigay sau yan ng Lord khit ganyan ung nangyari. Isipin mo nlang ung magiging pakiramdam ng baby mo. Kahit super stress ka sa lalaki na un pabayaan mo sia.Iwan mo. Asode from that need nia kau suportahan kahit nd kau kasal since sia ang biological father. Kung ayaw nia pwd mo kasuhan. Hindi dapat minamahal ung mga gajyang lalaki. Sorry ha. Malasarili ung mga ganyan. Wag mo siang isipin. Ang isipin mo nalang ung baby mo. KAYA MO YAN. Madami ding single mom out there katulad ng mom ko. 2 kmi magkapatid. Amd napalaki nia kmi ng maayos khit sia lang magisa. Hindi nia naisip na ipa abort kming 2 khit bread winner din sia sa family. 😊 By the way im 8 months preggy. Kahit mahirap, kpg nararamdaman ko ung galawnia sa loob ko everything is worth it. Hindi man kami mayaman ng asawa ko. 😊 Sissy, dont abort ur baby. Isipin mo nalang na blessing sia sau khit ganyan pinagdadaanan mo. Make her/him as ur MOTIVATOR pra umayos ung buhay mo... GOD BLESS u more...

Đọc thêm

Wala naman kasalanan ang baby sis bakit sya ang kailangan magsuffer ng consequences? Kung alam mo naman pala na bread winner ka in the first place sana hindi ka muna nakipaglive in at may nangyayari pa sa inyo. Ngayon nagkakaganyan ang buhay mo, sa baby mo isisisi e wala naman sya kamuang-muang. Isa pa, alam mo na ugali nya noon pa ngayon mo lang aayawan kung kailan buntis ka na. Madaming tao ang nananalangin ng baby pero hindi magkaron at heto ka nabiyayaan pero gusto ilaglag. Ang selfish mo, sarili mo lang iniisip mo. Hindi ka na nabubuhay ngayon para sa sarili mo lang, may baby na sa sinapupunan mo mahabag ka naman. Minsan kasi sa love hindi lang puro puso ang ginagamit, utak din. Maging wise ka. Kung di ka tanggap, bumangon ka. Show them what they've been missin and give them what they deserved! May maganda ka naman kamong trabaho, kaya mo buhayin yan kahit ikaw lang. May dahilan ang lahat ng bagay at sa bawat sitwasyon may tinuturo satin ang Dios, ikaw lang ang nakakaalam kung anu yun. Dalangin ko na maliwanagan ka sana at wag mo ituloy ang balak mo. Mabuhay ka para sa bata. Mabuhay ka ng may paninindigan. Hindi natatapos ang buhay dahil nabuntis ka at hindi ka tanggap. Bangon! Kasama mo ang Dios sa lahat ng laban ng buhay mo sis.

Đọc thêm

For me po wag mo po ipa abort si baby, same here. Im single mom, but here's the situation. Bata pa po ako hehe since 15years old po ako ka relasyon ko na siya, umabot po kami ng 3years 7mnths kasi naging Ldr po kami, nambabae siya. Nakipag hiwalay siya at pumayag na ako kasi pagod na ako na ako nalang niloloko niya palagi . December 11, 2018 siya nakipag break sakin. Pero ang monthsary pala nila nung girl is september 17,2018. Hanggang sa nabuntis niya yung girl, bago namin nalaman na buntis na yung babae dapat po maaayos na kami kasi hindi naman daw po niya gusto talaga yung babae. Kaso po buntis na palayung babae, nakipag usap sya sakin nagmamakaawa na kausapin ko siya at nag sorry ng nag sorry sa lahat ng kasalanan niya sakin. Sa bahay po siya natulog non, legal po kasi kami both side. At yon, sa sobrang pagmamahal ko may nangyari samin na akala ko is LAST NA. na goodbye na talaga kasi may pamilya na siya. Bago mag 2mnths since yung huling nangyari samin, nabuntis den pala niya ako. Pero my baby is still here in my tummy 😊 im 5mnths preggy ❤️ happy ako kahit di kmi maayos nung daddy ni baby. Share ko lang po hehe kaya WAG MO PO IPAPAABORT SI BABY. GOD'S WILL PO YAN. WAG PO NATIN TANGGIHAN ANG BIGAY NI LORD. GODBLESS PO. LABAN MOMSHIE! 😘

Đọc thêm

hindi naman pinili at pinilit ng baby mo na mabuo siya, kaya sana wag mo siyang idamay sis. saka sayo na rin nanggaling na kasalanan sa Diyos ang pagpatay. do not overthink sis masyado. tayong mga babae may tendency tlg na advance mag isip at minsan pa kumplikado lalo kapag buntis dahil sa napakaraming nagbabago sa katawan natin. pero alalahanin mo sis, blessing ang pagkakaroon ng anak. hindi mo malalaman anong mga blessing at opportunity ang dumating sayo once nagka anak ka. ngayon palang sa start ng pregnancy mo sis, blessed na blessed ka na dahil yung iba matagal nang humihiling na magkaroon ng anak, pero ikaw sis, nabiyayaan agad. manalig ka lang sa Diyos sis, pinagkaloob yan sayo ng Diyos dahil alam niyang kaya mong handle mga pagsubok na yan and in time, you'll realize the greater reasons kung bakit nangyari lahat ng ito sayo. God will provide sis at di ka Niya pababayaan. kaya please, keep the baby. wag mo siyang idamay. ibang joy ang dulot ng mga bata sis at kahit na napakahirap ng bawat araw, pag nakita mo lang sila, sobrang worth it ng bawat sakripisyo mo. there's this kind of love na iba sa alam nating love. marerealize mo once you become a mom. I will pray for your healing and provision in all aspect of life. God bless you.

Đọc thêm