Same situation tayo, Mi. Ang sabi naman ng pedia sa akin, kung masigla naman ang bata, aktibong naglalaro, makulit, may gana sa pagkain, at malakas dumede, nothing to worry about po. Baka hindi lang talaga tabain ang lahi niyo. Gano’n din kasi ang asawa ko — hindi tabain ang lahi nila. Ako lang talaga ang tabain, haha! Kamukha kasi ng asawa ko ang anak namin, halos lahat copy-paste.
Ganyan din po ang nararamdaman ko — bakit parang hindi tumataba ang anak. Pero pasalamat pa rin tayo dahil maayos at healthy ang anak natin. Hindi naman tayo nakikipagkumpitensya sa iba. Our babies are unique in different ways. Hayaan na lang po natin ang sinasabi ng iba. Ganyan po talaga ang mga tao — laging may masasabi, kahit anong gawin mo. Masakit man minsan, pero tanggapin na lang natin. Ang mahalaga, andito tayo bilang magulang sa mga anak natin
Anonymous