Marami pong factors ang nakaka apekto sa menstruation naten. kung dati kang regular pero all of a sudden nakaka miss kna ng mens, baka nagbago ang lifestyle mo? napupuyat, mas pagod or stress? Pwede din po sa mga kinakain. Ako kasi irregular ako with PCOS. pero after ko manganak sa panganay ko nag pills nako for 3.5years kaso nung Nov 2020, bigla ko inistop un pagtake ko ng pills sa kalagitnaan nya so ang nangyare dinugo nman ako for 3mos!! Yung pcos lumala kya nag take ako ng mga gamot talaga. Tapos ayun, niresetahan ako ng bagong pills- Diane pero nag stop ako ng ika-2nd month kasi gusto ko na ulit mag baby kaso hindi nanaman ako nag mens ng 3-4mos kya ang ginawa ko, nagpa consult ako sa OB ko. Mag diet din ako. If you have PCOS more on fiber food, less carbs or white bread, pasta, sweets tapos exercise ng onti. Nagtake ako ng mga multivitamins since graveyard ang trabaho ko. Hanggang sa diko expected, yung 2months na wala akong mens, buntis na pala ako. Better to have it checked with your OB para mas makasiguro ka. Goodluck po. 😊
Đọc thêm