#needadvice
#foropenmindedposana
katulong po kasi ako sa pamilya ng asawa ko , as in sinuswelduhan po ako. dito din po kami nakatira , kasama tita tito at kapatid niya . sabi ng asawa ko , ayos na rin to kasi wala kaming iisiping bayarin tulad ng kuryente bahay at tubig , at nabibili ko yung mga dapat bilhin sa anak ko. ngttrabaho din po siya dito bilang pahinante naman po ng truck nila . ngayon po , nahihirapan po talaga ako , kasi bukod sa hindi ko pi maackaso ng ayos yung anak ko , pakialamera din po yung kapatid niya . tapos yung anak ko naman po iyakin kasi gusto lagi nakadikit saken , napapagalitan po ng kapatid at tiyahin niya . gusto ko na po umalis kasi bukod sa 6k na sweldo all around po ang trabaho ko tas nagpapaligo pa po ako ng anak ng tita nila .pero iniisip ko po yung kalagayan ng anak ko kung uuwi po ako , hindi na po ako makakapagtrabaho , hindi ko na po mabibili mga kelangan ng anak ko . anu po ba dapat ko gawin.?