No movement at 6 months! 😢
Hi , Need your shared experience about baby's movement. I am at my 24 weeks pero inconsistent si baby sa pag kick and move. Sobrang dalang. Need ko na ba mag worry? May mga way ba para pagalawin si baby sa tummy? #1stimemom #firstbaby #pregnancy #advicepls
momsh i’m turning 8months this month same case hindi ko masyadong ma feel c babay ko pero yung pag pitik sa bandang puson ayun madalas sya and kaka galing kolang sa ob yesterday and thank god kase sabi nya no need to worrie mataba lang daw tiyan ko 😅 , pero syempre nakaka worried talaga diba and naiingiit ako pag may nakikita kong nag ppost na bumubukol c baby nila sa tummy .. anterior placenta grade 1 .
Đọc thêmHi mamshie nakapag consult ka na po ba kay OB? Ano sabi nya? Minsan po kasi malaking factor din ung placenta natin like pag ANTERIOR placenta po tau madalang talaga po daw maramdaman movement ni baby pero mararamdaman mo pa din. And malalaman mo kung anterior placenta tru UTZ. try mo mamshie kain ng sweets kahit konti and inom ka ng water na medyo malamig dapat gagalaw sya kahit papano pag nagawa mo po un🙂
Đọc thêmBaka ANTERIOR PLACENTA po kayo kaya madalang niyo siya mafeel. Try to eat sweets po pero wag masyadong madami momsh, jan po mag ha-hyper si baby. If wala parin po kayo ma-feel, consult to your OB na po para macheck heartbeat ni baby. Dapat po kasi sa ganyang month malikot na po si baby.
1st pregnancy ko po halos di tlg anagalaw c baby . halos twice lng sya sumipa kaya bilang ko tlga . parang tamad na tamad sya gumalaw sa loob ng tummy ko . 7 years old na sya now . malaki sya nung lumabas kaya cguro di nya bet gumalaw galaw . wag po magworry . kausapin nyu lng po plage
ako 19 weeks na may time na sobrang likot niya especially sa gabi tapos the next day madalang minsan parang wala akong movement na nararamdaman or dko lang napapansin inconsistent din tlga kya may fetal doppler din ako if ever dko siya nararamdaman chinecheck ko heartbeat niya
Try to eat sweets po mommy pero moderate lang. Nagiging malikot po si baby kapag kumain ka ng sweets. And also, always talk to your baby po kasi kapag lagi mo kinakausap is nag rerespond po si baby thru kicks. And always pray din po na safe and healthy si baby. 😇☺
ako din po, 22 weeks pero inconsistent din galaw ni baby may time na malakas may time na hindi sya gumagalaw. pero hindi naman naglalast ang day na wala syang movement. may fetal doppler din ako kaya namomonitor ko heartbeat nya
Ganyan din sakin sa 1st baby ko. Halos hindi ko sya maramdam. Ginagawa ko kumakain ako at nagpapamusic. Much better to see you ob mommshiee.. Nakakaworry talaga sya..
kapag may naiisip akong gawin pero tinatamad akong gumalaw, dun sipa ng sipa si baby. Ewan ko ba , dko alam kung weird or ignorante lang ako kasi 1st baby ko hehe.
ok lang po yan, nasa 2nd trimester parin po kasi, ang pag momonitor daw po kasi ng movements ni baby dapat daw po sa 3rd trimester na or start ng 28 weeks