Naranasan ko rin 'yan, sobrang exhausting talaga lalo na pag gabi, ang tanong mo lang talaga ay convenience o kaya tapusin na ang breastfeeding, kasi 'yung iba okay lang na mag-nurse hanggang matulog para hindi na mahirapan, pero kung gusto mo talagang ipasanay sa bote, mas madali raw pag iba ang magbibigay ng bote (hindi ikaw) para hindi ma-associate ng baby sa iyo at sa dede. Pwede rin subukan ng iba't ibang brand ng teat/nipple ng bote, 'yung slow flow at mas parang dede ang hugis, kasi minsan ayaw talaga ng bata sa isa pero okay sa iba, so worth it mag-try ng ilan bago sumuko. Patience lang talaga, paulit-ulit na offer, at pag-timing ng bote pag antok na antok siya, kadalasan doon mas natanggap ng baby.
Jem Monares