Momsh need ko ng advice

Need ba talagang lagyan ng bigkis ung pusod ni baby ? Kasi 9days old na si baby my amoy na mabaho pusod niya di talaga ako nag bibigkis mga monsh dahil un sabi sa hospital pero ung kapatid ng asawa ko nilagyan niya kagabi my bulak tapos lagyalagyan daw ng alcohol di ako comportable eh mga momsh 😢 1st time mom po ako #1stimemom #advicepls #firstbaby #pleasehelp sabi naman ng asawa ng kapatid ko alisin daw tapos lines linesan nalang kada palit ng pampers para mas mabilis matuyo 🥲at itupi nalang daw ung diaper ni baby at patuyoin ano ung mas subok ninyo mga momsh

25 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

depende po yan satin bilang magulang ang paglalagay ng bigkis, usually mostly po kaya nilalagyan ng bigkis para hindi prone sa kabag ang baby at protection sa mga harmfull insect kung sakali pero end of the day tau parin namn ang magdedecide sa ating baby lalot tau ang magulang kung ano ang mas makakabuti sa ting anak ok din po ang advice ng karamihan na lagyan ng 70% alcohol para mapadaling matuyo ang pusod,mother of 3 na po ako base on my own experience lahat ng anak ko binigkisan ko same kahit din ako nung baby as off now my eldest is girl 16 2nd boy 13 andy youngest girl is 12 andy coming baby this sept still I'm planning na bibigkisan ko parin. hope makatuloy sa advice 😊☺😊☺😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ang paglalagay kasi ng bigkis kay baby ang paniniwala noong unang panahon. Lagyan daw ng bigkis para magkahugis ang katawan at para lumakas ang torso ng bata sa kanyang paglaki. Pero wala rin nman mawawala kung gusto mong lagyan ng bigkis just make sure na lilinisan mo lagi ng bulak na may 70% ethyl (eto nman ang sabi sakin kasi ethyl easily dries up) alcohol. Scary talaga at first pero tiya-tiyagain mo talaga hanggang masanay ka. So far nman wala nman akong life threatening na na-experience sa 3 anak ko na binigkisan, 2 boys ages 13 & 9 and 1 girl age 2. And ako rin pinalaki na binigkisan by the way ☺️

Đọc thêm
3y trước

naglalagay ung iba ng bigkis para di nababasa ang pusod or nagagalaw hindi para magka shape.

Not advisable ang bigkis mas lalo di matutuyo ang pusod ni baby at prone sa infection pa.. Pinapatakan lang yan ng 70% alcohol pero hindi dapat ibabad yung bulak sa pusod mismo. Saka mi kaw masusunod anak mo yan e. Tama yung sabi nung isa patakan lang alcohol at nakatupi yung diaper.

Đọc thêm
3y trước

wag po...wag niu lagyan....sabi ng pedia ni baby ko ndi dw po dpat nilalagyan ng bigkis...alcohol po ilagay niu...kz ang alcohol po ai ndi masakit akala lng ng iba mahapdi un ndi pala..

Actually nagbibigkis parin ako pero after na matanggal yong pusod para iwas din yong parang nalabas yong pusod ni baby. And about sa concern mo since may amoy yong pusod please have it check, iwasan din muna mabasa ng water and after maligo buhusan ng alcohol and use cotton buds para linisin yong gilid2.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Tama ang sabi ng asawa ng kapatid mo sis, wag mo na lagyan ng bigkis bka lalo pa mainfect yung pusod. Itupi mo yung diaper para hindi masagi yung pusod at mlagyan ng ihi or dumi. Pwede gmitan ng alcohol kasi nkaka dry yon at linis na din. At wag na galawin hayaang kusang malaglag.

Thành viên VIP

no po. Even the doctor and nurse sa hospital sais wag lalagyan ng kahit ano or bigkis man yan. Yung sa baby ko withim 1 week natanggal na pusod nya. di kami nagbigkis. Pero yung MIL ko mapilit. hinahayaan ko minsan lagyan nya pero pag gabi, tinatanggal ko din. hehe

1st time mom also pero hindi ako gumamit ng bigkis kay baby, palagi mo lng po linisin ng alcohol at wag takpan ang pusod para mabilis matuyo po. Ako sinasabay ko tuwing magpapalit ng diaper, nililinis ko na din. Panatilihin na tuyo lagi ang pusod ni baby.

Ok lng nmn maglagay ng bigkis pero kpg ok na pusod nya.. Lalo sa lalake na baby pra iwas loslos dw lalo kpg iyakin.. Nagbigkis ako sa first baby ko noon after mag heal ng pusod nya..ok nmn sya,pero ikw p rin masusunod kasi baby mo yan sis. ❤️

It is not advisable ang bigkis po.. It may cause the source of infection.. 70% Isopropyl Alcohol po ang ilinis nyo sa pusod ni baby circular motion po then pag mag diaper kayo dapat di po matakpan yung pusod.. Mag da dry up po yan sa alcohol po..

may ganyan talagang pusod gaya sa anak ko mga 9 y/o na may amoy parin ang pusod tas nung mga 2y/o xa dumudugo pa kc laging nagagalaw dala ng kalikutan sa ngaun dina dumudugo pero may amoy parin at medjo mabasa basa pusod nya.