#AskTitoAlex
Need advice about your husband/partner/bf/male friend? Or kailangan mo ba ng perspective ng isang lalake tungkol sa mga relationship things or anything in general? Post/comment your questions here. I'll do my best to answer and give "helpful" advice. Hihihi
Hi tito alex first time soon to be mommy na po. Di kolang po alam kung anong gagawin kopo sa situation kopo. Nalaman kolang po na buntis ako nung oct 27 which is 27 weeks na po pala si baby yun po ung lumabas sa ultrasound kopo which is nashock poko kase di naman po lumaki agad ung tyan ko and wala pokong naramdaman na epekto nung nagbubuntis poko Ung dad nang dinadala kopo ngayon is ex kopo we broke up last august dahil po sa ilang third party na nahuli kopo sakanya and pananakit niya nung nalaman ko na buntis poko and siya po ung dad nung una naghehesitate pa poko na sabihin sakanya but sinabi korin sakanya after the day na nalaman kopo. Then i told him na di naman poko nageexpect sakanya nang tulong pinansyal gusti kolang po na malaman niya kase karapatan niya po yun kaso ung dating po sakanya nung una tinanong niya kung sakin ba talaga yan. Tas parang nainis pa po siya kase panibagong plano nanaman and bigger responsibility po. Currently may gf po siya and wala po siyang work di korin po alam kung nasan na siya or kung anong balita na sakanya. Di kolang po siya maintindihan sa part na pinapalabas niya sa side niya na magiging mabuti siyang ama through social media pero never niya man lang ako nakamusta or kung ano na pong update sa baby po namin. Sinabihan ko narin po siya na ayusin na niys buhay niya kase nagbubuhay binata parin siya and puro inom and yosi po ang inaatupag niya. Since august pa po.siya di nagkakawork kase tinamad na po siyang pumasok sa pinsgtratrabahuhan po namin tas rason niya.lagi wala raw siyang mga papeles ehh ilang buwan niya na pong rason po yan. Sakin pa siya manghihiram maski pamasahe niya or pagyosi niya. Concern lang rin naman poko.sakanya kase ung bumubuhay sakanya ngayon is ung mga babae niya or kaibigan niya. Tas ngayon po may balak po ata siyang bisitahin ung baby namin pagkaanak kopo kaso yung problema paano pag kinuha niys po sakin si baby and baka magkagulo pa kase si mama lang po ung katuwang ko ngayon sa buhay. Ano pobang dapat kong gawin.
Đọc thêmHi! Madalas na pagtatalo na din ang nangyayari saming magasawa, pero to the point na hindi ako makalimot sa mga ginawa niya sakin before na feeling ko sobra yon at ang hirap hirap kalimutan, *nagstart ito nung buntis palang ako, inistress talaga ko ng ex ng asawa ko at panay pa din ang contact sa asawa ko at sigeng stalk anw di naman ako nagpapaapekto that time, kinasal kami at naipanganak ko ang baby ko, and ako lubos nanaman tiwala ko talaga sa asawa ko, then simula ng nanganak para bang hinayaan niya nalang ako na parents ko ang madalas nagaasikaso sakin may work siya that time pero wala yung word na sacrices sa kanya, lalo first time namin pareho, siguro nga nageexpect lang din ako masyado sa kanya, *fast forward nawalan siya ng work pandemic and andifo kami nagstay sa parents ko, and since wala siya halos alam sa mga bagay bagay lalo sa pagaasikaso samin madalas nasaaabihan ko siya pero way ko yun para matuto sjya at hindi mapahiya sa parents ko, and during those time pala iniisip niya na mahirap at inaalila ko siya, ganun. Simpleng mga bagay na sa isip ko masaya siyang gawin pero hindi pala. Hanggang sa dumating nanaman yung time na umeksena nanaman yang ex nya, na nagsumbong sakin na nagoopen up daw sa kanya asawa ko at heto yung words na halos nadurog ako at sinabi ng asawa ko sa ex niya "what if diko na mahal asawa ko" tangina lang kasi bakit sa pinakamasaya pero mahirap na time sa buhay magasawa naiitatanong niya yan at sa ex niya pa. Gabi gabi naririnig ko yubg mga words na binitwan niya at ako may kutob pa din ako na hindi talaga kagenuine yung feelings nya para sakin, Gusto ko siyang mapaamin kung talagang mahal niya paba yon ir sadyang paranoid lang ako at diko siya mapatawad. Madalas pagtatalo namin i need help gusto kong maenlighten po thank u1
Đọc thêmWell said tito alex❣️ Very helpful ito for sure, yes narirealize ko habang patuloy kong nakikita ang ugali niya, masaya siya sa simpleng appreciation ko, oo aminado ako na puro mali nalang din bukambibig ko, malungkot ako at nadadala lang din ako, pero napakababaw lang din pala para sumaya at makuntento ang asawa ko, Hindi ko siya mababago pero alam ko time will come na magiging mas maayos pa siya at mapapakita samin na talagang tatayo siyang ama, thank you so much
Hello po. I would like to seek for your opinion po sa nahuli ko sa ex bf ko before. LDR kami, may pinagseselosan akong girl sa lugar nila. Pero friend lang daw niya yun. Kaso parang yung magulang kasi ng girl ang nanliligaw dun sa ex ko at feeling ko may gusto din naman yung girl sa ex ko kaya pinalalayo ko siya dun. Then nagkita kami ni ex bf, mamamasyal kami nun, nagtry ako magcheck ng phone niya. Pareho kami ng phone ni ex bf, so alam ko pasikot sikot. Tapos nakita ko may naka-hide album siya, puro baby at child photos ng girl. So ang reason niya sakin ay pang-asar lang daw niya yun dun sa girl. Pero ang dami kasi, nasa 20 siguro na pictures yun. Sa tingin niyo po ba totoo yun or may something? Bakit kailangan may ganun pa at kailangan mag-save ng pictures at naka-hidden album pa? Thanks po.
Đọc thêmkailngan paba i sink in sa lalaki na may asawat anak na sia?na qng anu man gingwa nia dpat my limitation?yung indi nmn pinipglan pero dpat may tyme..kc qng my oras sa pgllro dpat may ors db sa pamlya pero bakit kailngn igugol sa isng bgay?..ang baby ba dpat ina lng mgaalaga?anu contribution ng ama cell lang ba?wlang trbho umaasa sa ina at kuya..mgbbyad pag nkaaply na pero keln pa?ng oonline selling/resselee ako bkit wlng suporta?un bng kht algaan mn lng ci baby sndli pero kpag umiiyak na wla na ippsa na skin..bakit ganun?..oo nsa bhay nla aq ibg b sbhn wla akong krptn mgslita o kung anu man?matuto akong lumagr kc trtoryo nila?10yers,10 yers naging kmi pero ngaun ko lng sia nkilla sa loob ng bhay..nakakasuka,nakakasawa tpos ako pa msmang ugali?..
Đọc thêmindi ba nkkta ung gngwaq?aq na nghhnap ng way pra kahit ppnu may maambag kmi s pgpplaki ng baby indi ubg hbng bhay aasa sa ina at kua lalo gntong pndmya pa.. cgro nga nttmaan ego nia kya pinbbyaan nlng aq kht alm niang pra sa baby nmn..bat d nia naiicp un?
ano po ba ang mafandangvgawin kpag self righteous ang inyong mister? khit sya yun galit, ipapasa nya saken.. palasigaw at feeling nya hndi sya nagkakamali? hndi ko pinapansin dati pero sumosobra na, yun khit petty eh pinalalaki, dami pa kuda, mkasumbat akala mo kung sino.. eh hamak na malaki sweldo ko sa knya at sa sweldo ko kinukuha un pambayad sa bahay at kotse.. ako pa daw anv madamot, wow dba.. nag wworry ako at madalas na sya ganyan madalas sa harap pa ng baby namin who's turning 1.. tama ba itong nararamdaman ko, madalas gusto ko na sya iwan at palayasin.. tutal yun nman madalas bukambibig nya, maghiwalay na kme.. perhaps one of these days eh yan na nga gagawin ko sa knya, sanay nman daw sya mag umpisa sa wala..
Đọc thêmpalagay ko ang ugat ng lahat ng ito ay pride. isa sa pinakamasakit na pwdeng gawin sa lalake ay saktan ang kanyang pride. kahit hindi mo man sinasadya, kapag feeling ng mga lalake na minamaliit sila, gagawa yan ng paraan para ipakita na sila ang may power at lakas. lalo na may usaping pera. ang sakit sa lalake kapag mas malaki ang sweldo ng asawa nila. bakit? kasi pinalaki kami sa thinking na kami dapat ang provider. kapag nawala yun sa kanya, napakasakit. ang gawin mo, ganito. kapag nagkaaway ulit kayo, tanungin mo siya. ano bang gusto mo mahal? magkakampi tayo dito. isang team lang dba? hindi yan aamin na mali siya pero mapapaisip yan. and that's the first step.
Hi tito alex, baka lang po may maganda kang suggesion or advise, isa po akong katoliko at ang bf ko ay INC. 11weeks at 6days pregnant ako. Ayoko pong magpaconvert at magpalit ng relihiyon. Nirerespeto ko ang relihiyon nia kaya lng iniisip ko po ung baby ko. Hnd b sya mkakabalik kung hnd man nia ko maakay? Sbi ko nmn sa knya kung klngan nia ko hwalayan tatanggapin ko pra mkabalik sya pero sana e wag naman nia iabandon ung bata. Mahal ko po sya. Pero mahal ko din ang sarili ko at ang family ko n sagrado katoliko at ang Diyos. Pag po ba ganun n bumalik sya at nghwalay kmi at pinalbas nia sa simbahan nila n wala n kming connection e hndi dapat ipa apelido sa kanya? Salamat po sa payo. #advicepls #theasianparentph
Đọc thêmINC member po ako. Ang alam ko pwede siya makapagbalik kung hindi kayo naman nagsasama at wala na kayong relasyon. and pwede mo naman ipaapelyido sa kanya yung baby para masustentuhan niya. btw, try mo din po maging open sa INC, subukan mo lang po makinig, di naman aanib agad 😊
Hi po Sir Alex..ask lang po, ano po kaya ang reason bakit ayaw kami palabasin ng asawa ko? Sabiq pupunta lang kami sa mama ko which is malapit lang naman sa bahay parang isang kanto lang ang layo namin pero nagagalit sya pag lumalabas kami ng anak ko. Buntis po ako at 7yrs old po ang anak ko., knina po hnd ko na sya nireplyan dhl naiinis aq tapos nakacheck sya lagi sa cctv kung umaalis ba kami. Maliban sa pandemic, ano po kaya ang reason bakit ayaw nya po akong lumalabas ng bahay? Nakakasama po kasi ng loob eh..Salamat po
Đọc thêmMinsan hindi ko na maintindihan asawa ko...bumuo sya ng pamilya pero hindi pa sya tapos manilbihan para sa family of origin nya..hanggang kailan ba dapat ang pagiging panganay at bread winner nya kung lahat naman ng kapatid nya nasa almost 30 years old na..minsan natatabangan na talaga ako. Free board and lodging po sila with matching labandera pa (ako)...kapag sinita ko naman or magsasabi ako about sa sitwasyon nagagalit sa akin na para bang inapi ko pamilya nya..haay nakakasawa na din po minsan
Đọc thêmSiguro sir kaya ganun dahil sa negosyo din namin sila nagwowork...5 years na po ang kainan namin pero prior to that kami na po talaga bumubuhay sa kanila. Okay lang po sana ang mama nya lang kasama namin sa house or mas mainam pa sana kung sa apartment sila kami naman din nagbabayad pero ang reason kasi ng asawa ko na mas makakatipid daw if sa iisang house kaminsince binabayaran pa namin yung bahay namin kaso for me its the other way around since mas mahal gastos nya kesa sa 4k na rent lang noon 2 years ago. 2 years lang ako hindi nakisama pero the rest of our 12 years together e kasama ko sila. Kami sagot sa food though nagbibigay naman ng share para sa bigas, kuryente at tubig. Pero kasi sir baliktad po kasi sitwasyon imbes na ako ang pakisamaha ako nakikisama at ako nagaadjust kahit na bahay namin to. Sorry po to be toxic pero I guess normal pa naman ang pinanggagalingan ng rant ko?May asawa at anak na bayaw ko nandito pa din sa amin. Sabi ni hubby after daw ng pandemic paalisin na
sa palagay ko, pandemic talaga ang dahilan. not unless may kakaiba kayong away. nagiging super protective lang talaga siya lalo na dahil buntis ka. siguro napansin niya na rin na biglang dumami talaga ang mga tao sa labas. baka pwde mo siyang kausapin na samahan kayo or ihatid para naman makita mo ang parents mo.
Đọc thêmnormal lang po ba talaga sa mga lalaki ang makalimutan ang monthsary at anniv?..kc ung asawa ko plgi nya tlgang nkklimutan eh..plging ako ang ngpapa alala sa knya..wala nmn po akong duda sa love nya skin kc pinaparamdam nya nmn un, un nga lng nkaka pagtampo lng kc..
Okay lang naman po sgro ung kahit hndi kayo Mind readers pero un bang being sensitive man lang na baka mahurt ung feelings namin pag nakalimutan.. kaya.. ilalagay sa reminders ng phone or kahit anong way wag lang makalimutan. Maraming ways actually..Baka hndi lang tlga priority mostly sa guys ang feelings ng wife nila or lip.
IG: @HoyTitoAlex