20weeks

Natural po ba to na hindi na gumagalaw si baby kasi po kahapon at ngayon hindi ko siya naramdaman gumalaw kasi nung nakaraan araw lagi naman.

14 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

May mga time talaga na di nagalaw si baby sa tummy sis. Ganyan din ako nung nasa ganyang stage napaparanoid kasi di ko nafifeel si baby kaya lagi ko sinasabi sa hubby ko na lagay nya tenga nya sa tummy ko pinapakinig ko sa kanya kung may heartbeat, pag sinabi na ni hubby na may naririnig syang heartbeat nawawala na worries ko but if you want to feel your baby's movement, try to it sweet nagigising sila doon 😊 btw I'm 29weeks na 😊 Don't worry na sis darating ka na din sa stage na halos di ka naman patutulugin ni baby sa kakalikot nya 😊

Đọc thêm

Sabi nila mommy try mo kmain ng chocolates with cold water. This 36weeks going 37weeks kc ako parang dko din cya nararamdaman madalas so ang praning ko lang kc mas gusto ko na malikot cya to know that she is okay, ayun after ilang minutes lang super galaw n nya. Kitkat and cold water lang ako mommy kahit bite size lang. 😊

Đọc thêm

May time na ganyan din ako. Like 2 days ko yata siyang hindi naramdaman gumalaw so pumunta ako ng OB. Pagcheck ng heartbeat, normal naman. sabi ni ob may mga times talagang ganun na lagi lang tulog si baby. So simula nun, di na ko nagwoworry. Baka nga natutulog lang si baby ng buong araw. Haha

18 weeks here. Ganyan din si baby sa tummy ko nung isang araw, di ko halos naramdaman buong araw galaw nya. Inisip ko baka kasi sa hindi ako contented sa kinain ko buong araw (I tried to control my meal hahaha). Pero ngayon ok na, malikot na uli, pag napaparami kain ko 😂

May mga time po na di rin nagalaw si baby ko, nakakaworry pero pinapakiramdaman ko yung heartbeat nya. As long as may heartbeat wag po kayo masyadong magworry. Baka sa position din ni baby kaya di masyadong ramdam yung movements nya. I'm 25weeks preggy

Nakaka-worry talaga po talaga yan. Ganyan din ako ng earky weeks pa lang. Ginagawa ko is umiinom ako ng apple juice. Tas maya-maya gagalaw na si baby. Dont worry nommy, mga ilang weeks pa, lagi na gagalaw si baby. 😊

Mag music po kayo Mommy naka tapat po sa ibaba puson nyo pra magising po si Baby nyo po..and more water po kayo Mommy and kain din ng konting matamis 🙂..

Pareho po tau, pag magalaw sya ngayong araw kinabukasan hindi. Check up ko sa sunday itatanong ko nga yun sa OB kung normal lang. 20weeks preg dn ako

Baka po hindi nyo lang nararamdaman. Try nyo po kumain ng konting sweets kasi ang baby po naglilikot pag kumakain tayo ng sweets

May times po na ganyan pero kung gusto mo po sya maramdaman momy eat ka ng sweet or malamig na water...play music din po