Financial Assistance

Nasa NICU na po ang baby ko to fully recover. Ako po yung na emergency cs for 29 weeks and 5 days palang si baby due to my severe pre eclampsia. Mag ask lang ako if san kaya kame pwede mag seek ng any financial help. It was an emergency nung na admit ako dito sa Unihealth Parańaque Hospital and Medical Center(UPHMC), akala ko imomonitor lang ako kase nagshoshoot up bp ko until hindi na sya macontrol and need na kong ma emergency cs. Nataas ang bill namen everyday and talagang nakakadagdag sa stress ko kahit pinipilit kong makarecover agad for my LO. any suggestions po. thank you and God bless.

Financial Assistance
2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Lapit ka po sa mayor, vice mayor, konsehal... Sa lahat po ng nasa kinauukulan po... Tapos kapalan niyo na po mukha niyo... Hingi na po kayo ng tulong sa mga kapitbahay niyo na medyo may kaya sa buhay... Sa PCSO pwede rin po kayo lumapit... Ganyan ginawa ng kapitbahay namin nung kailangan na nila ng pera pambayad sa hospital... Sa awa ng Diyos nakakuha sila ng pambayad... Ang maliit na halaga kapag napagsama sama malaking halaga na po yun...

Đọc thêm

Lapit kayo sa PCSO mommy. Ask kayo sa financial assistance office ng hospital, meron yan.