Breastmilk
Napapanis ba yung milk sa breast natin? May nag sabi kasi saking matanda na pagumaga wag ko muna ipabreastmilk agad, imassage ko muna para mawala yung panis na gatas ?
not true. sinabi din yan sakin noon. yung nagsabi akala mo expert kung pangaralan ako eh, hindi naman siya nagpapabreastfeed. need ko daw pigain dede every padede kay baby kase napapanis. iyak tawa nalang pag naalala ko. sarap niya konyatan 😂😂
Isa Po kasi akong government worker. Hindi kasi Ako mahilig mag pump. simula Umaga 7:30 to 5:00 nasa office Ako. Mapapanis ba Yung gatas na naka imbak sa breast mo kapag Hindi na Didi ng anak mo?? nag worry kasi Ako sa Sabi ng mama ko😔. Sana Po mapansin
what if po gusto ng magpahinto ng breastfeed tapos nhinto na po ng ilng araw si baby may hindi po ba magandang epekto ito s baby kung dumede ulit after 5 days nya na di pagdede sa nanay? tia
Hindi totoo yun.. Kung panis na nasa breast mo, ang unang maaapektuhan po ay ikaw, kasi anything na panis or dumi sa katawan natin ay nakakalason
Hahaha hindi yun totoo. May isa pang sabisabi, “wag daw magpapadede pag pagod at madede daw ng bata”. Hahah walang connect. 🤦♀️
Hahahaha. Nakakaloka mga pamahiin na ganito. Parang sinabi narin na nabubulok katawan mo 🤣 Wag po maniwala pls 😂
No! Jusme, kahit anong oras pwede mong ipadede yan ng walang ritwal. Mapapanis lang yan kung nasa bote na.
Ilang oras naman po bago mapanis ang nasa bote?at pno malalaman kung panis or hnd?
Ndi PO,,hehe Ang Alam Kung mapapanis ung gstas if ung nkadede sa bote...un ang delikado.
Ang funny 😂 not true momsh. Baka gusto ipa-ref muna katawan mo para di mapanis hahaha.
dami ko pong tawa sayo😂
Huh?d po npa2nis milk ng ina sa dede nya mismo,sarap nga ipadede kc puno😅
Mum of 2 playful prince