Sukob
Naniniwala po ba kayo sa sukob sa kasal? Totoo bang sa magkapatid lang bawal magsabay ng taon ikasal o kahit magpinsan? Naguguluhan kasi ako
QUESTION PO! SUKOB DIN BA KAPAG TITA AND PAMANGKIN SAME YEAR? SALAMAT PO SA SASAGOT WALA KASI AKONG MAHANAP NA SAME SA SITUATION NG FIANCEE KO, DAPAT KASI NUNG 2022 PA KAMI KINASAL PERO BIGLANG TINAWAGAN ANG FIANCEE KO AND 9 MONTHS CONTRACT SO 2023 NA SYA MAKAUWI THEN NGAYON MONTH BIGLANG IKAKASAL ANG TIYA NYA AND PAGUWI NG FIANCE KO BALAK NAMIN ITULOY SANA :(
Đọc thêmQuestion po, medyo complicated. Lolo ko po kasi 5 ang asawa, half chinese po kasi kami. Ngayon, earlier today kinasal ang pinsan namin (sa 1st na asawa) sa Pinas, last year pa dapat pero gawa ng pandemic kaya namove. Eh ngayun, pinsan naman namin sa 3rd na asawa ikakasal naman sa Lunes dito sa Dubai. Sukob pa rin ba yun?
Đọc thêmAko nga din naguluhan ako nandahil sa sukob thingy na yan..😥 dpat dis year magpapakasal na kami d lng na process kasi nag spotting ako then nxt month aftr the initial plan namatay father nung partner ko, then yun bawal daw sabi ng matatanda pero nag ask ako sa friend kong priest wla nman daw yun
All of these things are just superstitious beliefs. Better believe in something that is real. My soon to be husband is a military officer and his brother just married 2 months ago. We’re planning to marrry very soon. We consulte the pastor of our church and they said there’s no such thing as sukob.
Hindi po yun tunay. Wala naman po scientific na basehan ang sukob. Kakakasal lang namin last June ng asawa ko tapos kasabay namin yung kapatid nya. Same date pa yun mamsh hehe. Think positive po. Para sakin, kung ano kasi ang pinaniniwalaan mo, kakatakutan mo talaga.
Nasa mag asawa po ang susi para magkaroon ng magandang buhay.,basta parehas mag sikap at maging tapat sa isat isa sigurado pong gaganda ang buhay pamilya.,samahan nyo rin po ng dasal at tiwala sa Dios mommy.,magiging maayos po ang lahat😊
May narinig akong explanation tungkol sa sukob.. Kaya daw ginawa yan para maka-iwas lang sa sabay na gastos lalo na sa magkapatid yung mga matatanda natin dati. Hahaha! I don't know how true that is pero kung iisipin mo, may point din naman. 😂
sa magkapatid lang po yun ang kasabihan about sa sukob. pag double wedding pwede pa pero pag magkaibang bwan sa parehong taon sukob daw yun. mamalasin daw ang pamilya ng isa, wala nmn po mawawala kung susundin for the sake of your future family
pag double wedding sa mag kapatid okay lng, ang alam ko, pero pag mag kahiwalay na buwan sa iisang taon yun ang di pwede, ayon sa mga matatanda, tapos mag pinsan is okay, mag kapatid is not, namatayan ng tatay o nanay,o kuya o ate is not.
Sundin nalang po natin ang mga matatanda momsh hehe. sa praktikal na explination naman po ay magkasabayang gastos sa isang taon kasi ito. magastos nga naman lalo't kung magkapatid kahit pa mapera kayo.