Help me, I need an advise regarding sa family ng bf ko.

Nalulungkot ako para sa baby namin ng bf ko. Hindi kasi ako okay sa fam ng bf ko, 4 yrs na kami pero hanggang ngayon ayaw pa rin nila sa akin. Before kasi maging kami, yung ex ng bf ko may anak sila non na isa. Tapos, namatay yung ex ng bf ko and sinisisi ako ng fam ng bf ko at fam ng ex ni bf kung ba't namatay yung ex niya kahit wala naman talaga akong kasalanan. Ngayon, buntis ako ng 4 months at kahit di pa lumalabas si baby ino-overthink ko na yung sa fam ng bf ko. Kasi, di nila ako gusto. Triny naman ng bf ko na i build up ako nung bago pa lang kami kaso wala talaga. Nalulungkot ako para sa baby ko kasi baka di nila matanggap yung baby ko. Naaawa ako kasi baka itakwil at di ituring ng tama paglaki yung bata. Ayokong makarinig yung baby namin ng kung ano anong masakit na salita galing sakanila. Kaso, parang di maiiwasan kasi ayaw nila sakin at ako yung nanay nung baby. Nalulungkot ako kasi, di naman deserve nung bata matrato ng di tama pag lumabas. Plus, magkakaproblema pa kami pag nalaman nung side ng ex gf ng bf ko na buntis ako. Kasi, yung panganay ng bf ko ayaw ipalapit sa akin ng fam ng bf ko at fam ng ex ng bf ko. Eh paano na lang kung magkakapamilya na kami? Iniisip ko baka kunin ng parents ng ex ni bf yung bata at ilayo sa bf ko. Sobrang hirap ng sitwasyon namin ng bf ko. Minsan naiisip ko na lang makipag hiwalay sakaniya kasi sobrang depressed na ako at di ko na kaya yung bigat ng relationship namin. Pero ayaw naman niya, nilalaban niya yung sa amin pero nakakapagod talaga. Please, give me an advise po huhu. #pleasehelp #advicepls #FTM

3 Các câu trả lời

TapFluencer

wag ka muna mag overthink mi..priority mo muna si baby at si bf mo..kausapin mo si bf regarding sa mga problema mo..maganda na magkaroon kayo ng magandang communication para sa kung ano mang dinadala niyong problema at kung paano niyo gagawin ng sabay angbdapat na gagawin para sa future ninyo..darating ang panahon na ikakasal kayo at kayong dalawa kasama ng baby niyo ang magsasama sa iisang bubong hindi naman ang pamilya ni ex o pamilya niya..sabay kayong tatayo sa hamon na darating sa inyo kung magksama kayo at tatayo para sa isa't isa 😊

ang hirap lang kasi isipin. syempre gusto ko okay sa fam niya kaso parang malabo na talaga.

Hello sender, hindi mo kailangan ipilit ang sarili mo sa kanila. Hanggat mahal ka ng partner mo at ikaw ang pinipili nya, hindi mo sila kailangan i-please na gustuhin ka. at isa pa, isipin mo din yung sarili mo, wag puro sila. Yung sa ex partner ng partner mo ngayon, kung alam mo naman sa sarili mo na hindi mo naman inagaw, e hayaan mo sya. Kung ang kitid nya e, pake mo naman sa kanya. BE KIND TO URSELF. SET BOUNDARIES.

Kung mahal ka ng bf mo ikaw at ikaw ang pipiliin niya. Hayaan mo nalang yung family kung ayaw nila sayo mahalaga piliin ka ng partner mo kasi mas masakit kapag mismong partner/bf mo walang ginagawa to protect you.

yun naman po ang maganda kay partner dahil pinili naman po niya ako over his family. though di pa rin namin kina-cut off yung family niya dahil syempre alam ko mahalaga pa rin sakaniya yung parents niya. and, ngayon may mga family members na sa side niya na alam na buntis po ako. so, inuunti onti na po namin hanggang umabot sa parents niya.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan