lossen hair
Nalalagas po yung buhok ko ,tapos sabi nang mama ko dahil daw po ito sa marunong nang humawak at mang hila ang anak ko. Totoo po ba yun? Wala nman po akong sakit , minsan nga hindi na ako nag susuklay kasi nagagalit na yung lip ko baka daw kasi makalbo ako. Na wowory napo ako mommies . Pasagot po
3 to 4 months na si baby nung nag umpisa maglagas ung hair ko.. hindi lang sia araw araw kundi maya't maya at kung saan saan mo makikita to the point kahit alam mo na normal lang sia ma experience ng lahat ng nanganganak, di mo pa din maiwasan mag worry. Di ko na namalayan kumg kelan huminto pero napansin ko nabawasan ung falling hair ko. Now 7 months na si baby, dami ko maliliit na hair lalo na ung tinatawag nila na "baby bangs".
Đọc thêmGanyan din saken walang oras na walang nalalagas sa buhok ko madalas nakikita ko may mga buhok na ung unan ko, sa bed sheet at minsan lumilipad pa kay baby ung buhok ko kaya lagi kong chine check qng may hair fall ko na c baby at baka masubo nya pa. Advise ng OB saken shampoo ng baby gamitin at i dilute sa water
Đọc thêmDi po totoo yun. Normal po na maglagas ang hair after manganak. Pag buntis kase tayo we don't shed our hair as much as we normally do dala nga changes sa hormones natin. Pagkapanganak, dun bumabawi. Nalalagas talaga buhok. Wag ka po mag-alala, di ka po makakalbo. Marereplenish din naman agad yan.
sabe naman ng nanay ko (lola) wag daw muna mag suklay pag bagong panganak kase daw mag lalagas ung buhok . kamay lang daw gamitin pang suklay . tas kung mag lagas daw buhok ko sabay daw sa pag lalagas ng buhok ni baby . mga pamahiin hahaha
ganyan din ako sobra talaga maglagas, nakakadagdag din daw kasi sa ganyan ang stress saka puyat o kaya kulang sa water intake. nag anti hairfall lang ako kahit di sya effective sakin, minsan nagiging okay pero minsan naglalagas pa rin
Normal po yan mommy, postpartum hairloss po tawag jan. Kasabay pa nga niyan malagas buhok din ni baby hehe ako ngayon nagamit ng organic shampoo para malessen un hair fall and nagpa iksi na rin ako ng hair :)
Same here,,, ganyan po tlaga mommy,,, kapag nhwkan ng mga sanggol ang bhok nten,,, mag lalagas tlaga,,, hanggang 1year po yun,,, pero after nun bblik n po ulit sa dati,,, ang buhok ntn kpag lamaki n sila
Natural lng po iyon after giving birth. Ako kttpos ko lng mglagas. Wag mo muna suklain pag basa. Antayin mo mtuyo ng kaunti pra mdling suklayin. Ako nmn ngyon baby hair ang pumalit.. pero ntural lng un.
Haaay parehas tayo mamshie. Ako araw araw ko nakukuhanan yung higaan namin puro buhok ko pati yung sahig at kada magsusuklay ako. Ginupitan ko na nga buhok ko para madali suklayin. Ganon pa din.
normal po na maglagas ang hair pag after manganak minsan nga nagtatagal sya ng 6 months to 1 year.. according sa OB ko sa pagbabago din ng hormones natin kaya may mga ganyan pangyayari