HULI PERO 'DI KULONG
Nakita kong may reaction Asawa ko sa post ng ex niya. Namatay kasi lolo ng ex niya. Hindi sila friend sa fb. Yung post ni Ate girl naka public. Ngayon yung mga nakatag sa post ng ex nya, hindi friend ng Asawa ko. Meron isa pero naka unfollow siya doon kaya kung ano man related sa kanila wala syang makikita. Chineck ko yung search tab, wala yung name niya don. Chineck ko yung kaisa-isang friend sa fb which is pinsan nung ex niya, hindi mo makikita yung mga nakatag na post sakanya. Kaya it's either na sinearch at binura niya yung sa search tab. Sabi ko sakanya, ang effort nyang hanapin. Take note, sa mga post ko hindi siya nag rereact sa post ko unless pag si baby ang pinopost ko. OA kung OA pero may ganyang scenario din last 2019. Papansin siya masyado kaya naiinis nanaman ako. Hays! Kaya pala naisipan kong icheck activity log niya.