skl

Nakaraos nadin ako ? sept. 25 ng madaling araw sumakit puson at dinugo ako ng mejo brown.tinakbo ako sa hospital pero 1cm palang.. Tapos same day naglakad lakad kami sa mall ni partner kahit nasakit sakit puson ko push lang.. Kala ko aabot pa pa ko ng weeks bago lumabas si bebi ko.. Pag uwi namin natulog ako ng 6pm.. Keri pa ang sakit.. Mga 8pm mejo natindi..hangang 12mn na masakit paden. Ayoko magpadala sa hospital kasi baka pauwiin nanamn kami.puson lang masakit di sumakit balakang ko and di naman ako naiiyak sa sakit.. Tinakbo paden ako ni partner. Nagpoops pa ko bago umalis kasi mabigat sa bandang pwetan ko..? Ayun pag dating namin dun mga 2am. Sept 26. IE na ko di ko expect 7cm na pala ko.. Wahah inadmit ako ng 2:30am. Naglabor. 8cm ako until 6am.. Keri naman nakikipagchikahan pa ko sa mga alalay at mga OB.dami ko kasi tanong kung maskit ba pag hiniwa etc... Haha..pag nahilab hingang malalim lang..pag nawala chika ulit ako.. Tapis ayun hangang sa naramdaman ko na yung pag sakit napapairi na ko.gusto ko na iiri.. Tinry ng isang OB na pairihin ako.. Ayun nag 9cms ako tapos hangang naging 10cms. Unang iri ko very good daw ako hahaha..pero mga sumunod nawala na ko sa focus kasi nakakapagod umiri wahaha.. Pinush lang din nila ko.. Kaya thankful ako sa OB na tumulong na ipush si baby para makalabas.. Okay kami ni baby. Lumabas nga lang ang almoranas ko kaya nahihirapan ako.pero 2days palang di na masakit tahi ko..and 3 days tuyo na pusod ni baby. ? 1 week na sya today. Sa mga di pa nakakaraos .. Pray lang po.lakasan ang loob.. Kala ko pi CS ako kasi naka sched na ko dahil maliit sipit sipitan ko.pero naging okay namab kasi maganda ang labor ko at bumuka sya ng maganda. Sorry napahaba hahaha God bless momies and babies! River Phoenix Girl 2.6 Normal delivery

skl
54 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Congrats! Makapag malling nga din 😂. Nakakatamad kasi maglakad pag sa daan. Mainit kahit tipong 4pm na. Sana ganyan din ako kabilis manganak.

Ask Lang po ndi nman po maging prob Ang hemorrhoids ?during labor ?thanks and congrats 😍

5y trước

Awts .mabuti nman akala ko Kasi delikado Kong sakali sobrang sakit nga din .saakin Kya natatakot ako paano na pag manganganak na😅thankie po ,

Thành viên VIP

Yay..well done mommy and congratulations..cute ng baby..best of care😊

Masama po ba paglumabas yong almuranas? Mayroon po kasi akong almuranas. 😅

5y trước

Hindi po ba lumalaki ang almuranas? 😅

Congrats momsh...ka buwanan ko na now kinakabahan na naman ako 😅

Congratulations po 😍 Ilang weeks po c baby ng ipanganak nyo po?

5y trước

Ahh, okay po. 37 weeks and 6 days na po kasi ako at excited ng makita ang baby ko ☺️ FTM here.

Congrats po. Nakaka excite makakita ng baby photos hihi

ang cute naman ng baby girl mo 😍

Thành viên VIP

2.6kg baby mo te nung nilabas mo?

Wow buti kpa msakit ba normal??