breast pump
Nakakatulong po ba un para lumabas milk ko sa Dede, kc until now wla pa din ako gatas nung monday po ako nanganak. Anu po ok na breast pump, manual o electric?
𝐌𝐚𝐠 𝐚𝐚𝐬𝐤 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐧𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐨𝐤𝐞𝐲 𝐝𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐠 𝐚𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐛𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭 𝐩𝐮𝐦𝐩 .𝐚𝐚𝐰𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐬𝐲𝐚 𝐞𝐡
Ulam mo po lagi ung may malunggay na sinabawan... Mga tinola or ung shells..makakatulong un mapadami gatas mo tas padede lng po ng padede lalabas din yan 😊😊
Yong ka kilala ko dito d lumabas agad ung milk sa dede nya.Ang ginawa nila pina dede sa husband ayon lumabas daw pagkatapos☺
Padedehin niyo lang po si baby mommy.. Si baby po makakatulong para dumami po gatas niyo😁 inom po kayo ng maraming water😁
Sge po. Salamat
Hindi k Po direct latch or nag formula kna? Kung unli latch k sis dapat ngayon may milk kna basta Hindi k gumamit Ng formula
Hindi Niya marecognize nipple mo? Pano mo Po ipalatch si baby?
kung sa electric pump po maganda po ung may massage.. pero ako po nagmanual muna bago po ako ng electric
nagtake n po kau ng vitamins?
Mabigat na po Dede ko ,I'm sure marami gatas Pero wla po nalabas Pag pinapalatch ko baby ko.
Kung matigas na sis ok lng iPump mo once pra lumabas na gatas , bka kc kaya ayaw ilatch ni Lo mo dahil ndi nya masuck ng maayos. Once na lumabas na milk mo stop pumping na muna since ndi advisable for early stage ang pump dahil ndi pa stable ung milk supply mo. Baka mag over supply ka it can cause milk Duct that may lead to mastitis. Dapat 6weeks after giving birth before pumping
Try nyo rin po na i-massage and apply ng hot compress sa boobs nyo.
unlilatch po. then masabaw na ulam with malunggay. 💜
Panung unlilatch?
Try mo Po ito. Nuod k din sa YouTube
Got a bun in the oven