Overthinking.
Nakakalungkot pala talaga mga mamsh pag di mo nalalabas mga saloobin mo no? May time talaga kasi na naiinis ako dito sa bahay ng inlaws ko. Nakikitira lang kasi kami. At hindi ako sanay na ganito na hindi ako nakakakilos ng maayos. Na hindi ko kayang magalit ng harapan sa kanila kagaya ng pag nauubos ng bunso nila yung foods ng lo kong bunso. Tas yung toothpaste ng panganay ko sya na rin ang nakakaubos nakita ko nga isang beses, tatlong beses mag toothbrush sa gabi tas grabe andaming toothpaste parang pinapapak lang. May pagka inggetera kasi yun pero ang akin lang sana pinag sasabihan nila to the point na di na sya umulit. Kaso hindi. Araw araw lang akong naaasar sa ugali. 😔 tuwing gabi nag ooverthink talaga ko tipong yung mga naiisip ko na sa sobrang inis ko naiiyak na lang ako. Hanggang kaya ko naman kimkimin kinikimkim ko. Pag kinikwentuhan ko naman asawa ko sa nararamdaman ko parang wala lang pasok sa isang tenga lalabas din sa kabila. Sanay silang walang pake sa isa't isa dito. Pero ako hindiiii. Ang hirap mag adjust 1yr na kami dito pero di talaga nawawala yung pag kairita ko kahit isang araw dito dahil sa bunso nila. 😢